Ginanap ang pictorial ng buong cast ng isa sa mga entries ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2011, ang Yesterday Today Tomorrow, sa Regal office sa Valencia compound, San Juan City kahapon, November 13.
Present ang buong cast na kinabibilangan nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Dennis Trillo, Lovie Poe, Carla Abellana, Agot Isidro, Paulo Avelino, Eula Caballero, at Solenn Heussaff.
Ang tanging wala lang ay si Jericho Rosales.
Sa nasabing pictorial ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Concepcion.
NOT A REMAKE. Nilinaw ni Gabby na ang ginagawa nilang pelikula ay hindi remake o sequel ng Regal movie na Yesterday, Today, & Tomorrow na ipinalabas noong 1986.
Kasama rin sa cast ng naunang pelikulang yun sina Gabby at Maricel, pati na rin sina Vilma Santos, Snooky Serna, Richard Gomez, at Eddie Garcia.
"It's just a title," sabi ni Gabby.
"Tinanong nga sa akin kung ano ang gusto ko raw. Sabi ko, lahat na lang.
"Kasi, yesterday is today and tomorrow never comes.
"Actually, ang role ko dito, mag-asawa kami ni Carla [Abellana].
"Kami naman ni Maricel, mag-ex kami.
"So, kung dati, dalawang lalaki. Ngayon naman, dalawang babae ang kuwento."
SOMETHING IN COMMON WITH CARLA'S DAD. Dahil si Carla ang gumaganap na asawa ni Gabby sa pelikula, naitanong ng PEP sa aktor kung nakasama ba niya noon ang ama ng young actress na si Rey "PJ" Abellana, na isa ring matinee idol nung kabataan nila.
Nangiting kuwento ni Gabby, "Nagkita kami ni PJ...actually noon, nagkita kami sa hospital.
"Sabi ko, 'Pare, ano ang ginagawa mo rito?'




0

