"Crazy. Wild. Intense."
Ganito inilarawan ng commercial model-TV host na si Gino dela Peña ang experience niya bilang castaway sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.
Si Gino ang isa sa 20 castaways ngayong season ng reality show ng GMA-7 na nagsimula nang umere kagabi, November 14.
Kabilang si Gino at ang ka-double niyang si Stef Prescott sa Bulan Tribe.
Kasama rin nila sa grupo ang Volcanoes players na sina John Odulio at Arnold Aninion; ang ex-couple na sina KC Montero at Geneva Cruz; ang mag-inang sina Maria Isabel Lopez at Mara Lopez; at ang magkaibigang sina Alyssa Alano at Aifha Medina.
Makakalaban ng Bulan ang Tala Tribe.
Ang Tala Tribe naman ay kinabibilangan ng dating magka-loveteam na sina Chuckie Dreyfuss at Isabel Granada; ang magpinsang sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez; ang magkaibigang sina Jackie Forster at Angeli Copter; ang magkasintahang sina Ellen Adarna at Filo Cucueco; at ang comic duo nina Maey Bautista at Betong Sumaya.
THE SIMPLE THINGS. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gino sa presscon ng Survivor Philippines noong nakaraang linggo, sinabi niyang dahil sa panahong inilagi niya sa isla ng San Vicente, Palawan bilang castaway, na-realize niya kung gaano ka-importante ang mga bagay na binabalewala lang niya noon.
Pahayag niya, "Kasi, you really get to see things that you take for granted here in Manila, na parang it's really important there.
"I mean, I love my family, I love my friends, everything.
"But when you're there, you really get to see the importance, e...kung gaano talaga ka-importante ang relationships.
"So, even with food... I mean, konting toyo lang, konting patis, talagang when you get back here, parang sobrang...it's a blessing!
"And you get to see blessings each and every day that you're here. But you take it for granted, e. And it's sad.
"And now, parang I don't anymore. I don't anymore.
"Parang simpleng hello lang sa family, or simple I love you, it's really something na parang eye-opener for me."




0

