Rhian Ramos on being single: "Actually, mas gusto ko 'yong walang boyfriend. Ang maging single ulit, dahil nagkaroon ako ng time sa mga friends ko. Pag hindi busy, nakaka-attend ako ng party, nakakalabas kasama sila."

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian Ramos sa pocket interview ng GMA Films para sa suspense-thriller movie na The Road noong November 9.

Kinabukasan, November 10, ay lumipad patungong Las Vegas si Rhian para manood ng Pacquiao-Marquez fight. 

Napanood na ng ilang movie press ang The Road sa isang special screening. At base sa pagganap na ipinakita ni Rhian sa pelikula ni Yam Laranas ay posibleng mapansin siya ng iba't ibang award-giving bodies.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Lara, na kasama ng kanyang kapatid (ginagampanan ni Louise delos Reyes) ay dinukot ng isang lalake na nakilala nila sa kalye, at ikinulong sa basement ng ilang buwan.

"Salamat po," nakangiting sabi ni Rhian nang iparating namin sa kanya ang papuri sa kanyang pagganap. 

Dagdag pa niya, "Nang mabasa ko ang character ni Lara, pinaghandaan ko na ang character niya. 

"Hindi ako gumamit ng kahit anong make-up.

"Iisa ang dress na suot ko, pero siyempre, ilang set of dresses iyon na pare-pareho.

"Iyong dumi, magba-vary kung gaano na ako katagal sa basement."

Sabi pa niya, "I will tell my friends na panoorin ito dahil may lesson kang makukuha, lalo na sa mga babaeng tulad namin.

"Pinakamatinding mistake iyong magpapatulong ka sa isang misteryosong lalaki na nakita mo lang naglalakad sa kalye, played by Alden Richards. 

"Iyong character ko, kapag napanood ninyo, you will really fear for the character. Parang gusto mo siyang tulungan, pero paano?"

Hindi pa napapanood ni Rhian ang kabuuan ng movie, maliban sa trailer at sa ilang scenes na nai-dub niya dahil live sound ang gamit nila sa shooting. 

Pero nagpapasalamat si Rhian sa GMA Films sa pagkakasama niya sa pelikula.