Jackie Forster on what she'll do with the P3-M cash prize in case she wins Survivor Philippines: "Well, ten percent already goes to my church. And I've been wanting to help a foundation or put up one myself to help others, and siguro maglagay ng konti sa negosyo. Although I can do that with my husband, iba pa rin yung sarili kong pera."

Photo: Noel Orsal

Ang akala pala noong una ni Jackie Forster ay ang dati niyang asawa na si Benjie Paras ang ka-tandem niya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Kuwento ni Jackie, "Nung dinala nila sa akin ito, when they approached me for it, unang sinabi sa akin, ang keywords were 'Do it with your ex... would you want to do it with your ex?'

"'Yeah, I could,'" sagot naman daw niya.

"And then with GMA, I was assuming that makakausap nila si Benjie. Kasi sino pa nga ba, di ba?

"But over the course of time, hindi yata siya puwede for his own reasons.

"And then GMA said, 'Well, if you can commit, then you can look for another partner mo,' kung approved nila," balik-tanaw ni Jackie.

Ang naging partner ni Jackie sa Survivor Philippines ay ang radio DJ na si Angeli Copter.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie noong Lunes ng gabi, November 14, sa Excess Superclub sa Timog Ave., Quezon City, sa pilot airing ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Hindi pa rin ba sila magkaibigan ni Benjie?

"We're not talking. I'm praying for that, but right now we're not talking," sagot ni Jackie.

Sa tingin ba niya ay tumanggi si Benjie dahil sa kanya?

"Well, kasi si Benjie, may asawa na yun, so maraming factors...

"May ibang factors yun—either professionally, puwedeng personal.

"Baka hindi kumportable ang asawa niya, which we have to respect," seryoso niyang saad.