"Nagsimula rin naman ako sa wala, nagsimula rin ako sa mga taong hindi sa akin naniniwala. Pero sa pagpupursigi at pagtitiyaga, yung mga taong dating hindi naniniwala at hindi naman bilib, ngayon, dumarating ang point na, 'Magaling ka naman palang umarte, marunong ka naman pala.' Siyempre, hindi naman lahat ng tao mapapabilib mo. Pero ngayon, natutuwa lang ako," says Coco Martin.

Photo: Allan Sancon

Noong November 1 ay nagdiwang ng kanyang 30th birthday ang isa sa pinakaimportanteng male stars ngayon ng Kapamilya network—si Coco Martin.

Pero dahil na rin sa sobrang kaaabalahan ng aktor, kahapon, November 15, lang natuloy ang kanyang birthday press conference.

Ginanap ito sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon city.

Matagal na raw itong pinaplano ni Coco at ng kanyang manager na si Biboy Arboleda para sa ilang miyembro ng entertainment press.

COCO'S SUCCESS STORY. Hindi naman lingid sa lahat na isa si Coco sa maituturing na success stories sa showbiz.

Nagsimula sa paglabas-labas sa indie films, heto't kinikilala na siya hindi lamang bilang Prince of Indie Films kundi bilang King of Teleserye ng ABS-CBN.

Bukod sa acting awards na napanalunan na ni Coco sa iba't ibang award-giving bodies, naitaas ni Coco ang kanyang antas bilang isa sa pinagkakatiwalaang endorsers ngayon.

Nang sabihin ng press sa kanya na marami na siyang naungusan sa hanay ng male stars sa Kapamilya network, halatang nahihiya pa rin si Coco kapag nakakarinig ng mga direktang papuri.

"Grabe rin naman po kasi ang pinagdaanan ko sa showbiz," nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman po ako sumali sa isang popularity contest and then nanalo.

"Dumaan din po ako sa butas ng karayom.

"Lahat ng masasakit na salita, lahat ng mga panlalait, rejections, naranasan ko pong lahat yun.

"Pero sabi ko nga, hindi ko ginagawang baggage yun sa akin. Ginagawa ko pong inspiration yun.

"Kaya ngayon, lahat po ng mga dumarating na blessing sa akin, naa-appreciate ko.

"Kasi, alam ko kung paano ko pinaghirapan yun kung nasaan man ako ngayon, or kung anuman ang mga blessing na dumarating sa akin ngayon.