Nadia Montenegro files another libel case against Annabelle Rama

Jocelyn Jimenez
Wednesday, November 16, 2011 @ 03:59PM  |  175 views

 

Amidst all these court cases, Nadia Montenegro wishes one thing from Annabelle Rama: "Sana tumahimik na muna siya, dahil hangga't meron siyang sinasabi against me at hindi totoo, hindi rin ako titigil na. Siyempre, hahanapin at hahanapin ko ang hustisya para naman ipagtanggol ko ang sarili ko."

Photo By: Noel Orsal













Muling nagsampa ng kasong libel at unjust vexation si Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama, kahapon, Nobyembre 15, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Matatandaang naunang isinampa ni Nadia ang kasong child abuse at oral defamation laban kay Annabelle noong Setyembre 30.

Ito'y kaugnay sa diumano'y pagpapasuot ni Annabelle ng mga seksing damit sa dalawang anak ni Nadia na sina Alyanna Asistio, 17, at Annika Asistio, 15.

(CLICK HERE for related artcle.)

Kasong falsification and use of public documents naman ang sumunod na kasong isinampa ni Nadia laban pa rin kay Annabelle noong Oktubre 21.

Dinoktor daw kasi ni Annabelle ang pirma niya upang makapagsumite ng dalawang talent management contracts sa GMA Films, at sinabing talent niya ang dalawa pang anak ni Nadia na may edad anim at limang taong gulang.

(CLICK HERE for related article.)

Nasundan pa ito muli ng kasong libel at unjust vexation noong Oktubre 28, dahil sa mga diumano'y pasaring ng talent manager kay Nadia sa pamamagitan ng Twitter account nito.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa report ng ABS-CBN News na lumabas ngayong araw, Nobyembre 16, ang ikalawang libel and unjust vexation case na isinampa ni Nadia kahapon ay nag-ugat sa TV appearances ni Annabelle sa StarTalk TX noong Oktubre 22 at TV Patrol noong Nobyembre 4.

"HINDI KO ALAM ANG PANGALAN NG MGA ANAK MO!" Ang panayam kay Annabelle noong Oktubre 22 sa StarTalk TX ay upang hingan siya ng reaksyon sa isinampang kaso na falsification and use of public documents laban sa kanya ni Nadia.

Dito'y itinanggi ng talent manager ang mga akusasyong ito.

Sabi pa ni Annabelle, "Hindi ko alam ang pangalan ng mga anak mo, ang hahaba!

"Paano ko mame-memorize ang pangalan ng mga anak mo, 'day?"

Giit pa ni Annabelle, ang dating aktres mismo ang may gusto na ipa-audtion sa ilang network ang kanyang mga anak.

1  2  3  Next »

Related Articles

65 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name