Ayon kay Paulo Avelino, ibang-iba ang role niya sa pelikulang Yesterday Today Tomorrow sa mga dati na niyang nagampanang papael.
"It's something new," sambit ng young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng kanilang pelikula noong Linggo, November 13.
Si Paulo ang gumaganap bilang ex-boyfriend ni Solenn Heussaff sa pelikula.
Ang madalas daw niyang kaeksena ay sina Solenn at Dennis Trillo, na interesado rin kay Solenn sa pelikula.
Natawa si Paulo nang kamustahin ang love scene nila ni Solenn.
Aniya, "Bago rin. First time.
"First time kong gumawa ng ganoon ka...hindi naman sobrang grabe kundi ganoong klase ng love scene.
"Actually, it's more on halikan lang."
Natatawang inamin ni Paulo na nahiya siya nang gawin nila ang love scene ni Solenn.
"I tried to be a gentleman sa abot ng kaya ko.
"And hopefully, wala naman siguro akong ginawa na hindi niya nagustuhan."
Biro ng press kay Paulo, kinailangan ba niya talagang magpigil nang todo sa love scene nila ni Solenn at sinabi niyang "sa abot ng kaya" niya?
Bawi ng Kapamilya actor, "Hindi naman, hindi naman. Tinireat ko lang siya in a very professional manner."
Hindi naman ikinakaila ni Paulo na very attractive talaga ang leading lady niya sa movie.
"Yes, Solenn is very... Aside from being very hot, Solenn is also very attractive and very talented."




0

