Lovi Poe on working with crush Jericho Rosales: "It's super great experience. Super galing ni Echo. As in, hands down, galing. Super galing niya."

Photo: Rose Garcia

"Very refreshing," saad ng award-winning actress.

Nagkabukuhan na rin na si Lovi pala ang nag-request na si Jericho ang makapareha niya sa Yesterday Today Tomorrow

Nangiti lang si Lovi nang kantiyawan tungkol dito.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Echo?

Kuwento ni Lovi, "He's really good. Super funny siya sa set.

"Tapos, kapag seryoso, wala e...parang natural lang talaga sa kanya.

"He doesn't need any much motivation or anything."

Samantala, wala raw lovelife ngayon si Lovi.

Hirit pa niya na natatawa, "Dating lang... Finally, I'm learning the dating procedure!"   

WHOLESOME ROLE. Ayon kay Lovi, magkaibang-magkaiba ang character niya sa Yesterday Today Tomorrow kumpara sa role niya sa My Neighbor's Wife

Mas "wholesome" daw ang role niya sa bagong pelikula.

Sabi niya, "Super drama siya. As in, may time na literally, two hours akong umiiyak!

"Ang sakit sa ulo. Paghiga ko, bagsak ako sa bed."

Ikinuwento rin ni Lovi kung ano ang role niya sa Yesterday Today Tomorrow.

"Mag-asawa kami dito ni Echo.