Lovi Poe on working with crush Jericho Rosales: "It's super great experience. Super galing ni Echo. As in, hands down, galing. Super galing niya."

Photo: Rose Garcia

Noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Lovi Poe, madalas niyang sabihin sa mga nagtatanong na isa si Jericho Rosales sa mga crush niya.

Isa rin sa pangarap noon ni Lovi ang makatrabaho ang Kapamilya actor. 

Ngayon ay nagkaroon na ito ng katuparan dahil magkasama sina Lovi at Jericho sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow.

Umpisa pa lang ng interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Lovi sa pictorial ng pelikula noong Linggo, November 13, ay hindi na nito maitago ang excitement sa pagsasama nila ni Jericho.

"It's super great experience. Super galing ni Echo.

"As in, hands down, galing. Super galing niya," sunud-sunod na papuri ng Kapuso actress sa aktor.

Nadadala ba siya sa mga eksena nila?

"Oo, actually, I feel like watching him," sagot ni Lovi.

Hindi rin itinanggi ni Lovi na na-starstruck siya kay Echo.

"Oo, e, ever since," sambit niya.

Nakatrabaho na rin ni Lovi ang isa pang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa pelikulang My Neighbor's Wife. Kaya tinanong ang young actress kung sino para sa kanya ang mas magaling—si Jake o si Jericho?

"Pareho, e. I mean, they have the same...they are very open in doing something. 

"Sa scene kasi, ako, I always listen to what the directors will tell me.

"Then, sila, they openly say something na, 'Can I do this, can I do that?'

"Very refreshing," saad ng award-winning actress.