Ayaw pang magbigay ng kumpirmasyon ni Aljur Abrenica kung tuloy na ang nabalitang pagsasamahan nilang pelikula ni Rhian Ramos.
Sabi ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Gusto ko mang angkinin na, e... Di ba, palagi namang maraming beses na nangyari sa akin 'yan?
"Although, sabi naman ng GMA Films, tuloy na raw.
"Baka posible raw na maging Valentine's movie kung aabot siya.
"Wala pa rin kasing storycon kaya mahirap pa rin i-claim.
"Although, excited ako at ang sabi lang nila, love story siya, hindi typical na nangyayari."
PANDAY 2. Nanghinayang naman si Aljur na hindi siya natuloy sa Panday 2, na entry ng GMA Films at Imus Productions, Inc. sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.
Si Alden Richards ang pumalit sa kanya.
"Nanghinayang ako, sobra!" sambit ni Aljur.
Bakit nga ba hindi siya natuloy sa Panday 2?
Paliwanag ng young actor, "Ang nangyari kasi sa Panday, 20 days ako sa States. E, mas nauna yun.
"Marami kaming artista sa Panday.
"Nakapag-shoot na ako. Pagbalik ko, magsu-shoot ulit.
"Nakapag-shoot pa lang ako, one day.
"E, nagkaroon ng time na nasa States ako, kailangan na kailangan ako.




0

