"Sa ngayon, pareho naman kami ni Kylie na ang priority talaga namin is our career. Pero siyempre, tao lang din naman tayo, kailangan may inspirasyon ka rin, nagpapasaya sa 'yo. Pero kung priority talaga ang pag-uusapan, trabaho," says Aljur Abrenica.

Photo: Noel Orsal

"Sinabi ko noon na nandito na ako, sinabi ko na lang na palitan na ako. Nagkasira ang schedules.

"At sila na rin ang nag-request na palitan na ako, kasi naiipit na sila.

"Bukod pa sa MMFF yun. Ayoko namang maging sagabal para makasali sila do'n."

Ito pa naman daw sana ang unang beses na magkakaroon siya ng entry sa taunang film festival.

KYLIE PADILLA. Samantala, sa usaping pag-ibig naman, tulad pa rin ng dati ang sagot ni Aljur kapag tinatanong kung ano na ang estado ng relasyon nila ngayon ni Kylie Padilla.

Aniya, "Ganoon pa rin naman kami, magkaibigan pa rin.

"Hindi nga lang kami madalas magkita ngayon kasi sa schedules din.

"Pero kapag Party Pilipinas, nagkikita kami."

Mas malalim na ba ang closeness nila ngayon?

Sagot ni Aljur, "Hindi ko masabi, e.

"Para sa akin, kung ano noon, ganoon pa rin ngayon. 

"Hindi rin kasi talaga kami masyadong nagkikita ngayon.

"Kumbaga, nami-miss lang din namin ang company ng isa't isa.

"At saka sa ngayon," patuloy niya, "pareho naman kami ni Kylie na ang priority talaga namin is our career. 

"Pero siyempre, tao lang din naman tayo, kailangan may inspirasyon ka rin, nagpapasaya sa 'yo.