Luis Manzano on relationship with Jennylyn Mercado: "It's formal that we're together. Yung detalye, 'wag na, hindi ko ibibigay yung detalye. Basta now, it's formal, mas legal, walang TRO [temporary restraining order], parang ganun lang."

Photo: Noel Orsal

"Oo, kami na."

Ito ang ginawang pag-amin ni Luis Manzano sa estado ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng Showtime kahapon, November 16.

Dagdag ng TV host-actor, "Sabi ko nga, may anniversary na kami. 

"It's formal that we're together. 

"Yung detalye, 'wag na, hindi ko ibibigay yung detalye. 

"Basta now, it's formal, mas legal, walang TRO [temporary restraining order], parang ganun lang."

"Basta, I'm very happy.

"Hindi ko alam kung bakit napapansin ng ibang tao, sila ang mas nakakapansin, medyo mas extra raw yung smile ko.

"Blooming nga daw ako."

Bagamat umaming sila na, tumanggi si Luis na sabihin kung kailan eksakto naging sila ni Jennylyn.

Aniya, "Kung kailan talaga, ayoko nang bigyan ng timeline para kahit paano naman may matira kami sa sarili namin.

"Ang sabi nga namin ni Jen, we're just waiting for the right moment. 

"Ako naman, I've been happy naman all throughout.

"Kumbaga, it was just sealing the deal. 

"Sinasabi naman namin na dun din kami papunta, it's only a matter of time, ang daming pinangungunahan pa nga kami."