Isang challenge para kay Dina Bonnevie na gumanap bilang Kristine sa teleserye sequel ng pelikulang P.S. I Love You, na ipalalabas sa TV5.
Si Sharon Cuneta kasi ang orihinal na gumanap sa karakter na iyon, kung saan katambal niya ang reel- at real-life loveteam partner niya noon na si Gabby Concepcion.
This time, si Dina ang gaganap sa dating role ni Sharon; at si Gabby pa rin ang gaganap sa dati niyang role.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Dina kagabi, Nobyembre 16, sa presscon ng P.S. I Love You na ginanap sa Renaissance Tower sa Ortigas, Pasig City.
Inamin ni Dina na sa una'y talagang nahirapan siyang gampanan ang karakter ni Kristine, dahil na rin sa karamihan ng mga ginampanan niyang karakter ay palaban o matapang.
Paliwanag niya, "Kasi nga, on the first few scenes, nakikita ko si Dina, si Kristine ito, and Kristine is weak.
"So, medyo nahirapan ako na I have to keep remembering that Kristine is weak.
"But then later on, actually nakakuha din ako ng strength do'n, kasi kahit weak siya, mayro'n siyang inner strength na hindi niya lang mailabas.
"And because she's weak, it's the first, first soap I've ever done na super-duper daming breakdown."
ON REMAKES. Dahil parang remake na rin ang gagawing teleserye na ito ni Dina, inalam ng PEP ang opinyon niya tungkol sa ginagawang remake ng mga dating pelikula o teleserye.
Ilang pelikula na rin kasi ni Dina ang ginawan ng remake ng iba't ibang network.
Ilan sa mga ito'y ang Katorse (1980), Magdusa Ka (1986), Maging Akin Ka Lamang (1987), at Gumapang Ka Sa Lusak (1990).
Si Erich Gonzales ang gumanap sa papel noon ni Dina bilang Elena sa TV remake ng Katorse.
Si Katrina Halili ang gumanap bilang Christine sa Magdusa Ka,
Si Nadine Samonte ang gumanap bilang si Elsa sa Maging Akin Ka Lamang.




0

