Governor ER Ejercito on Robin Padilla's "sacrifice": "Ang term na pinag-usapan namin, nagsakripisyo siya. Napipikon siya do'n sa term na umatras.

 

"Nasusulat sa mga diyaryo na umatras siya, eh, nagbigay siya sa isang kaibigan.  'Yun naman talaga, eh.  'Yun naman ang totoo.  Nagbigay siya sa isang kaibigan."

 

 

Photo: Noel Orsal

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Laguna Governor ER Ejercito ang nakaharap noong Huwebes ng madaling-araw, November 17, sa Club Filipino. 

Galing na ito sa iba't-ibang meeting bago pa kami naharap at nakausap.  

Halos ganoon daw ang routine niya sa araw-araw na nagsisimula ng maaga sa umaga at nagtatapos na kinabukasan.

Si Governor ER ang kasalukuyang governor ng Laguna, pero sa kabila ng marami niyang trabaho at inaasikaso sa Laguna, nagagawa pa rin niyang ipagpatuloy ang pagiging aktor nito.

MMFF ENTRY. Finally, nakasama na nga sa list of official MMFF entries for 2011 ang Manila Kingpin:  The Untold Story of Asiong Salonga. 

Ayon kay Governor ER, na siyang gumaganap bilang Asiong Salonga sa movie, may official word na rin daw from MMFF Chairman Francis Tolentino na kasama na nga sila sa pitong pelikula sa MMFF 2011.

Nagkaroon ng intriga sa pagkakapasok nila dahil sa naging mga naging pahayag ni Robin Padilla nang ang pelikula naman nito na Mr. Wong ang mawala. 

Pero ayon kay Governor ER, wala namang isyu talaga at magkaibigan sila ni Robin.

Paliwanag niya, "Wala namang problema dun, e.

'"Ang mga nakapaligid lang ang pinapag-away kami, hindi naman kami puwedeng mag-away.

"Magkababata kami. Magkaibigan kami nun. 

"Nag-usap kami sa telepono, ang pinag-usapan namin yung El Presidente.

"Nagprisinta siya na siya ang gaganap na Andres Bonifacio. Bagay sa kanya ang role. Kaya siya na talaga.

"Actually, nagprisinta siya through our friend na si Ketchup Eusebio and Pen Medina. 

"Excited siya do'n sa Andres Bonifacio role."