news

Gretchen Barretto warms up to Angelica Panganiban on the set of latest soap

by Melba R. Llanera posted on November 18, 2011  STATS: 38669 Views | 10 Comments

 

Gretchen Barretto on her relationship with Alta co-star Angelica Panganiban: "Okay na okay na kasi nagkausap na kami, so nalabas na namin yung reluctancy namin."

 

 

Photo By: Noel Orsal

Naging issue noon ang naging hidwaan sa pagitan nila Gretchen Barretto at Angelica Panganiban.

Doon umusbong at tuluyang sumikat din ang mga linyang, "Single ka teh?" na nanggaling kay Angel.

At ang famous line naman na,"You want war, I'll give you war. I'll be there in my red stilettos," na naging buwelta naman ni Gretchen sa nobya ni Derek Ramsay.

Dahil nagkaayos na sila at ngayon nga'y magkasama sa seryeng Alta ng ABS-CBN, marami ang nag-aabang at nagtatanong kung simula na raw kaya ito ng pagkakaibigan sa dalawang aktres.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gretchen noong Lunes, Nobyembre 14, sa pictorial ng nasabing serye, kinumusta namin sa kanya ang naging samahan nila ni Angelica sa unang araw ng pagtatrabaho nila.

Saad ni Gretchen, "Okay na okay na kasi nagkausap na kami, so nalabas na namin yung reluctancy namin. 

"Nakilala ko si Angelica, although tahimik si Angelica compared to KC [Concepcion].

"Kasi kami ni KC, talagang kuwentuhan nang kuwentuhan.

"Napapansin ko ang Angelica'ng ito, aba, nag-e-emote na!

"Sabi ko, 'Ganun ha, teka lang KC, serious, work pala ito.'

"Siyempre pag first day, excited ka, you forget na nao-overwhelm ka pa, so dapat focused. 

"So I learned from Angelica, focused pala, ha."

Pabiro pa niyang hirit, "Kung lalabas kami? Sure, with Derek? Hahaha!

"I'm just joking...of course we will be friends. 

"We will be working for the next six months, wala kaming choice.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  alexis2222

    11/19/2011 | 10:27 PM
    kaabang-abang... alta talaga... sa gma kasi puros kabakyaan ang palabas... yun na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeanna_meaow

    11/19/2011 | 09:17 PM
    mga bano sa acting!!!! sana sinama nyo si MS D para i workshop kayo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    11/19/2011 | 05:10 PM
    Mas maganda si Greta pag ganitong simple ang ayos ng buhok at make up. Mukhang nawala na rin ang collagen sa lips kaya bumalik na ang natural na kagandahan ni Greta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • red_radiance

    11/19/2011 | 12:49 PM
    suoer excited nako dito. ang tagal ipalabas. sana alta na talaga ang title wag ng baguhin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • canada_143

    11/19/2011 | 09:39 AM
    ito dapat ang ginaya ni Nadia at Genelyn,,hindi nag anak ng nag anak,,atleast maayos ung pag papaaral sa anak niya.Di tulad ng dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hurtlocker

    11/19/2011 | 06:51 AM
    Ang tagal naman! Im so excited about their outfits, bling bling and everything! Fashion will be on top next year!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    11/19/2011 | 05:41 AM
    greta pls.preserve your beauty with out surgery....ok lang yung facial treatment pero yung magpasurgery masasayang lang dahil your the most beautiful face i love in phil.showbiz industry.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • futyakmod

    11/19/2011 | 12:12 AM
    inaabangan ko to nang sobrang sobra.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    11/18/2011 | 08:48 PM
    grechen sana wag ka ng mag bago pa ng kahit ano sa mukha mo kasi maganda ka na.si ruffa di mo na alam kung matatakot ka na sa itsura.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purong_kapamilya

    11/18/2011 | 08:38 PM
    abangan ko talaga tong alta na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About