Gretchen Barretto on her relationship with Alta co-star Angelica Panganiban: "Okay na okay na kasi nagkausap na kami, so nalabas na namin yung reluctancy namin."

 

 

Photo: Noel Orsal

"Parang si Angelica, na-embrace na niya ang character niya.

"Ako, I have to embrace my character as Marga.

"Marga na ang pangalan ko.

"Ang saya kasi noon [sa Magkaribal] Victoria, now it's Marga."

Tulad ng Magkaribal, tiyak na patalbugan hindi lang daw sa outfits dito kundi mas higit sa pag-arte kung saan mahuhusay na mga artista ang mga kasama ni Gretchen.

"Gusto natin yun at gusto rin ng mga manonood'yung makakita ng mgagandang outfits,  make up, yung ayos iba-iba. 

"Makikita mo lahat dito excited sa set, hindi siya parang trabaho.

"More than labanan at patalbugan, I guess labasan ng kung ano mang talento. 

"We all have our forte, we will put it together as a group, as a team, as Alta.

"Ibibigay namin ang pinakakaya naming ibigay, higit pa sa kanya naming ibigay sa aming mga manonood. 

"So you have something to look forward to sa first year of 2012," pangako niya.

SUPPORT FROM TONYBOY & DOMINIQUE. Tinanong din namin si Gretchen kung gaano ka-supportive ang partner na si Tonyboy Cojuangco at ang anak na si Dominique sa bago niyang serye.

Aniya, "Very supportive si Tony. 

"Sabi ko nga, kagabi, hindi ako makatulog. Sabi niya, 'You look so happy.  You look happiest talaga when you're working.'

"And this morning, tinutukso niya ako kasi ang aga-aga ko daw nagising.