Ynna Asistio's message to manager Annabelle Rama: "Sana pakawalan na niya kami... wala naman pala kaming bilang sa kanya."

Rose Garcia
Saturday, November 19, 2011 @ 12:35PM  |  81123 views

Tinanong namin si Ynna Asistio kung may nararamdaman ba siyang galit sa manager niyang si Annabelle Rama.

"Hindi ako galit, e.  Siguro masama lang ang loob ko dahil tinuring namin siyang pangalawang mommy, kahit sobrang private ng problema. Hindi namin alam na yun pa ang magiging bala niya laban sa atin," she says.

 

Photo By: Noel Orsal














Maraming nakapansin sa pagdating ni Ynna Asistio sa press conference ng pelikulang The Road ng GMA Films na ginanap nuong Biyernes, Nobyembre 18, sa 17th Floor ng GMA Building.

Halatang blooming ito at binibiro ng ilang entertainment press dahil sa pulang lipstick niya na kapansin-pansin.

Pero bukod do'n, ang talagang inusisa kay Ynna ay ang kanyang suot-suot na singsing.

Hindi naman  itinanggi ng aktres na yun raw ay isang couple o commitment ring na ibinigay sa kanya ng nobyong si Mark Herras.

"Recently lang po ito binigay ni Mark. Pangatlong ring na po namin. Yung isang ring po namin, ako ang nagbigay. 

"Yung una, siya. Pangalawa, ako.  Ibig sabihin po kasi, parang nasisira ang commitment namin kapag nawawala ang singsing," ang sabi niya sa media at sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ako, nasa akin pa ang lahat ng singsing. Si Mark, yung pinaka-unang-una, nawala. 

"E, parang nag-start po kami na may ganoon, may couple ring. Parang naging ano na rin namin.  Hindi ko nga po ini-expect na papalitan niya."

Ano ba ang kabuluhan ng couple ring na ito?

"Siguro po ano, ang tawag niya kasi commitment ring. Ano na namin yun, e, kapag nawala ito, hindi kami meant [for each other].

"Pero, hindi naman siya nawawala."

Wala raw okasyon nang iabot ni Mark ang commitment ring sa kanya dahil nuong Enero pa raw ang ika-4th year anniversary nila.

"Actually, last week lang po, pumunta siya sa bahay namin, bigla niya pong iniabot sa akin. Siguro naboringan siya sa ring na binigay ko,'" natatawang sabi ni Ynna.

Ano naman ang commitment niya kay Mark?

"Siguro hanggang nasa akin 'to, yun na yun.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

50 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name