Maraming nakapansin sa pagdating ni Ynna Asistio sa press conference ng pelikulang The Road ng GMA Films na ginanap nuong Biyernes, Nobyembre 18, sa 17th Floor ng GMA Building.
Halatang blooming ito at binibiro ng ilang entertainment press dahil sa pulang lipstick niya na kapansin-pansin.
Pero bukod do'n, ang talagang inusisa kay Ynna ay ang kanyang suot-suot na singsing.
Hindi naman itinanggi ng aktres na yun raw ay isang couple o commitment ring na ibinigay sa kanya ng nobyong si Mark Herras.
"Recently lang po ito binigay ni Mark. Pangatlong ring na po namin. Yung isang ring po namin, ako ang nagbigay.
"Yung una, siya. Pangalawa, ako. Ibig sabihin po kasi, parang nasisira ang commitment namin kapag nawawala ang singsing," ang sabi niya sa media at sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Ako, nasa akin pa ang lahat ng singsing. Si Mark, yung pinaka-unang-una, nawala.
"E, parang nag-start po kami na may ganoon, may couple ring. Parang naging ano na rin namin. Hindi ko nga po ini-expect na papalitan niya."
Ano ba ang kabuluhan ng couple ring na ito?
"Siguro po ano, ang tawag niya kasi commitment ring. Ano na namin yun, e, kapag nawala ito, hindi kami meant [for each other].
"Pero, hindi naman siya nawawala."
Wala raw okasyon nang iabot ni Mark ang commitment ring sa kanya dahil nuong Enero pa raw ang ika-4th year anniversary nila.
"Actually, last week lang po, pumunta siya sa bahay namin, bigla niya pong iniabot sa akin. Siguro naboringan siya sa ring na binigay ko,'" natatawang sabi ni Ynna.
Ano naman ang commitment niya kay Mark?
"Siguro hanggang nasa akin 'to, yun na yun.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
50 endot
49 merlin_excalibur
48 hooney
47 myrth
46 stubbiz
45 Pep_ko
44 Charminguts
43 nettyfrau
42 nettyfrau
41 fanhan
40 shobizaddict
39 shobizaddict
38 SimonLaplace
37 SimonLaplace
36 Pep_ko
35 beybong
34 kyliegie_8b
33 ehemm
32 gucciprada
31 gucciprada
more comments