PART 1. Sarah Geronimo on falling in love again: "Kailangan ko lang pong maging maingat."

Nerisa Almo
Sunday, November 20, 2011 @ 10:51AM  |  34015 views

"Sabi ko, the next time I fall in love, I will make sure na mag-uumpisa sa kanya, na ipaglalaban niya ako. Hindi 'yong ako lang, akong babae lang ang naglalaban ng relasyon," says Sarah Geronimo, describing the man of her dreams.

Photo By: Noel Orsal













Paiwas ang mga kasagutan ni Sarah Geronimo nang tanungin siya ng entertainment media tungkol sa posibilidad na maging totoo ang tambalan nila ni Gerald Anderson.

Muling magsasama sina Sarah at Gerald sa pelikulang Won't Last A Day Without You, na tampok sa press conference na inihanda ng Star Cinema Sabado, Nobyembre 19, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Sa halip na sagutin ito, sinabi ni Sarah, "Sa ngayon, hindi po muna natin i-e-entertain ang mga ligaw-ligawan. Hindi muna time para doon.

"Gano'n din naman si Gerald, e, mas focused siya sa trabaho niya," aniya sa media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Inamin din ni Sarah na dahil sa naging karanasan niya sa pag-ibig noon, nagkaroon na siya ng takot na subukan ulit magmahal.

Katulad ng paulit-ulit niyang sinasabi, naniniwala na lamang siya na darating ang taong magmamahal sa kanya sa tamang panahon.

Aniya, "Kasi, hindi pa ito ang tamang panahon."

"Naniniwala naman po ako na darating 'yan sa tamang panahon.

"Pinagdadasal ko naman po 'yan."

Kung sakali, gusto ni Sarah na ang lalaking dadating sa buhay niya ay makasama na niya habangbuhay.

Paliwanag niya, "Siyempre, kapag nagkaroon ka ng boyfriend, ang hinahanap natin pang-long term.

"Ayaw ko kasi 'yong palit nang palit, masakit 'yan sa dibdib.

"Siyempre, ang gusto natin, kung sino ang magiging boyfriend natin, 'yon na 'yong pakakasalan natin."

Nabanggit din ni Sarah ang katangian ng lalaki na inaasahan niya kung sakaling umibig siyang muli.

"Basta ako po, ang pinagdarasal ko po talaga, kung sino 'yon, sana hindi na ako...

1  2  Next »

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name