Manny Pacquiao responds to critics on his controversial victory over Juan Manuel Marquez

Rommel Gonzales
Sunday, November 20, 2011 @ 02:43PM  |  174 views

 

"Hindi ba ako puwedeng manalo ng close fight? Kailangan ba lahat ng panalo ko one-sided fight at kailangan ba binubugbog ko talaga nang husto yung kalaban ko para manalo ng klaro? Bilang Pilipino alisin natin yung crab mentality," Manny Pacquiao said in a taped interview aired November 19 on  Startalk TX.

 

Photo By: Enie Reyes













Sa isang taped interview na ipinalabas kahapon sa Startalk TX, Sabado, November 19, sinagot na ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang mga pagbatikos hinggil sa kontrobersyal nilang laban ni Juan Manuel Marquez.

"Hindi ba ako puwedeng manalo ng close fight? Kailangan ba lahat ng panalo ko one-sided fight at kailangan ba binubugbog ko talaga nang husto yung kalaban ko para manalo ng klaro?

"Bilang Pilipino alisin natin yung crab mentality.

"Yung crab mentality sana huwag nating pairalin dahil hindi magandang tingnan sa ibang tao at ang kailangan natin is magtiwala tayo sa Panginoon at manalig tayo sa Kanya at  kailangan magtulungan ang bawat isa," ang seryosong pahayag ng Pambansang Kamao.

Tatlong araw matapos ang laban, kumalat sa mga social networking sites ang video at mga larawan ng diumano'y pang-aapak ni Marquez kay Pacquiao during the fight.

At ang pananaw ni Manny tungkol dito...

"Hindi ko pinansin yun dahil alam ko naman na may referee at makikita ng referee.

"At hindi naman ako mareklamong boksingero na palaging nagrereklamo."

Taliwas sa mga haka-haka ng ilang sports analysts, napanatili ni Pacman ang titulong Pound-For-Pound King mula sa prestigious Ring magazine.

Nasa pangalawang puwesto pa rin si Floyd Mayweather Jr. na isa sa posibleng makalaban ni Pacquiao next year.

"Hindi pa natin alam, but definitely, boxer ang makakalaban natin sa susunod," pagbibiro pa ni Manny.

"Pero hindi ko pa alam kung sino."

Samantala, hinarap na din ni Manny ang hindi mamataymatay na tsismis tungkol sa sinasabing tagilid na pagsasama nila ni Jinkee.

"Kami okay naman, sa awa ng Panginoon at sa kanya ko lang ipinapaubaya ang lahat.

"At lagi lang tayong magdasal at magtiwala sa Kanya, walang imposible.

1  2  Next »

Related Articles

61 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name