Magka-loveteam si Nadine Lustre (left) at AJ Muhlach (right) sa bagong TV5 teleserye na P.S. I Love You.

"Magkakagustuhan po ang characters namin ni AJ," explains Nadine. "Pero paglalayuin po kami ng parents namin dahil nga may hindi magandang past sa pagitan nina Ms. Dina [Bonnevie], na mommy ko, at Sir Gabby [Concepcion], na daddy naman ni AJ."

 

 

Photo: Glen P. Sibonga

Malaki ang pasasalamat ng baguhang aktres na si Nadine Lustre sa TV5 at sa Viva Entertainment sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon sa bagong primetime teleseryeng P.S. I Love You, na mapapanood na simula Lunes, November 21, pagkatapos ng Glamorosa.

"Overwhelmed talaga ako. Hindi ko ine-expect na mabibigyan agad ako ng ganitong break.

"Actually, hindi lang ito break for me pero break din para sa loveteam namin ni AJ [Muhlach].

"Kaya sobra akong nagpapasalamat sa TV5 at sa Viva dahil naniwala sila sa talent namin," sabi ni Nadine nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dating miyembro ng all-girl group na Pop Girls ang 18-year-old na si Nadine, pero kinailangan nga siyang tanggalin ng Viva sa grupo para mag-concentrate siya sa pag-arte.

Una siyang ipinasok sa youth-oriented show sa TV5, ang Bagets, kung saan niya unang nakatambal si AJ.

WORKING WITH DINA & ALEX. Ginagampanan ni Nadine sa P.S. I Love You ang papel bilang si Candice Tuazon.

"Ako po yung anak ni Ms. Dina [Bonnevie] and sister ko po si Ate Alex [Gonzaga]. Si Candice po ay anak ni Ms. Dina at ni Sir Lloyd [Samartino]."

Kumusta katrabaho si Dina?

"Noong first few days po, medyo kabado po ako kasi big star na siya e.

"Tapos very professional siya with everything. Ninerbiyos po ako noong una pero nawala rin po pagtagal-tagal na kasama ko siya sa taping.

"Pero si Ms. Dina, she's fun to work with. Nakaka-inspire na makita kung gaano siya ka-professional pag nagtrabaho."

Ayon kay Nadine, kahit hindi sila madalas mag-usap ni Dina off-cam, may mga natututunan pa rin siya sa magaling na aktres.

"Hanga po talaga ako kay Ms. Dina kasi ang galing niyang umarte.