Inilahad ni Eugene Domingo na hiningi niya kay Mother Lily Monteverde ang isang episode ng Shake, Rattle & Roll 13.
Sa pictorial na ito ng Regal Films entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, na ginanap sa studio ni Edward dela Cuesta noong Nobyembre 19, kinuwento ng comedienne/TV host kung paano napunta sa kanya ang naturang project.
Ayon kay Eugene, "Natutuwa naman ako pinagbigyan ako ni Mother Lily.
"Sabi niya sa akin, gumawa raw ako ng pang-MMFF. Sabi ko Mother, baka puwede niyo po ako isali sa Shake, Rattle & Roll.
"Gusto ko talaga. Kasi lumaki ako [diyan] at inaabangan ko talaga 'yan tuwing Pasko.
"Maraming magagandang episode tulad yung kay Herbert Bautista, kay Janice de Belen.
"Every year, kasama na talaga sa tradisyon 'yan tuwing Pasko."
"Sabi ko sa kanya, puwede po ba drama?
"'Sige sige,' sabi niya. Hindi siya nagdalawang-isip.
"Sabi niya, 'Sino ang gusto mo?'
"Sabi ko, 'Puwede po ba si Chris Martinez?'
"Pinagbigyan naman niya ako, so excited kami ni Direk Chris Martinez dahil after mga comedy films na ginawa namin this year, this is very new," dagdag pa niya.
Isa sa episode ng Shake, Rattle & Roll 13 ay pinamagatang "Rain, Rain Go Away" na kuwento tungkol sa isang pamilya na nasalanta ng bagyong Ondoy.
"Napapanahon naman ang tema ng pelikulang ito dahil nangyari ito nung panahon ng Ondoy.
"May dahilan kung bakit sila kinukunsensya at pinapatay ng kanilang guilt," kuwento ni Eugene.




0

