Regine Velasquez-Alcasid on husband Ogie Alcasid: "Sabi ng asawa ko kanina, pag first time daw nakita ng nanay 'yong anak parang hindi mo na papansinin 'yong asawa mo, di ba? On the contrary, parang I rely on him nga so much, ano."

Photo: Screen Grab from GMA-7

Sa unang pagkakataon ay ipinakita na sa publiko ang larawan ni Nathaniel James—ang panganay na anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Noong Nobyembre 8 ipinanganak si Baby Nate—palayaw ng anak nila Ogie—ganap na 7:47 ng gabi. (CLICK HERE for related article.)

Kahapon, Nobyembre 20, kasabay ng pagpapakita ng larawan ni Baby Nate sa Party Pilipinas ay ang pag-awit ni Ogie ng kanyang nilikhang kanta para sa anak nila ni Regine.

Ang titulo ng kanta ay "Aking Anak."

Matagal din bago natapos ng singer-songwriter ang nasabing awitin.

Ibinahagi pa niya na nagawa lamang niya ang refrain ng kanta nang isinilang na si Baby Nate.

BABY NATE. Matapos ang performance ni Ogie, nagkaroon ng pagkakataon ang co-hosts ng Party Pilipinas na sina Jaya, Janno Gibbs, at Raymond Gutierrez, na makausap sa telepono si Regine.

"Hello to everybody, nakita ninyo na 'yong baby namin!" ang masayang pagbati ng Songbird sa kanyang mga tagahanga.

Dagdag pa niya, maayos naman ang kalagayan nila ng kanilang baby boy.

Siyempre, ang unang tinanong kay Regine ay kung sino ang kamukha ng kanilang anak ni Ogie.

"Actually, hindi namin malaman!" natatawang sagot ni Regine.

"Hindi nila ma-figure out, maski kami hindi namin ma-figure out kung sino talaga kamukha, e.

"I'm very happy and nakakatuwa 'yong baby ko.

"Una ko siyang nakita, sabi ko, 'Saan galing 'yan, bakit mukhang foreigner?'