Ruffa Gutierrez on lovelife: "You know, para sa akin, kung nandiyan, nandiyan.  You know, if they make you happy, then it's okay. But once they started giving you problems, you should erase them from your life."

 

Photo: Mark Atienza

Pagkatapos ng ilang linggong pagkawala ay muling nagbalik sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed si Ruffa Gutierrez. 

Kuwento ng TV host-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na-enjoy niya talaga ang kanyang recent trip abroad.

"I had a good time sa Las Vegas at sa L.A. [Los Angeles]

"First time ko sa Las Vegas para manood ng Pacquiao fight. Kaya talagang na-excite ako. 

"At gusto ko nang gawin lagi iyon na manood ng bawat laban ni Pacman.

"So, ayun, nakapagpahinga rin ako ng konti. 

"Pero, very short lang, e. Halos six days lang ako nawala."  

TELL-ALL INTERVIEW. Alam ba niya na ang naging epekto ng tell-all interview sa kanya ni Mo Twister tungkol sa isyu nila nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz? 

May mga nakakagulat kasing rebelasyon si Ruffa, lalo na sa mga pagdedetalye niya ng naging relasyon nila ni John Llloyd. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Ruffa, "Naku, kung anuman 'yong mga nasabi ko, iyon na 'yon. 

"Ayoko nang mag-expound pa do'n.

"And I'm sure it was very clear. And, uhm... kung anuman 'yong mga nasabi ko, iyon na 'yon."

Pagkatapos lumabas ng interview ni Ruffa, wala namang naging reaksiyon ang kampo nina Shaina at John Lloyd hinggil dito. 

Wala rin tawag o anumang text message na natanggap si Ruffa mula sa dalawa.

"Wala na. Tahimik na lahat," nangiting sabi ng Kapatid star.