Manny Pacquiao on his recent victory against Juan Manuel Marquez: "Naiintindihan natin na hindi sa lahat ng panahon, e, puwede tayong manalo ng one-sided fight. At hindi lahat ng kalaban, bubugbugin natin ng easy-easy. May mga kamay din 'yan sila. Dumating lang yung pagkakataon, yung panahon na naging close yung fight."

Photo: Noel Orsal

Delayed ang flight ni Congressman Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California, kaya past 8:30 a.m. na nang lumapag sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano na sinakyan niya kanina, November 21.

Kagagaling lang ni Manny mula sa kanyang panibagong tagumpay nang talunin niya si Juan Manuel Marquez, sa pamamagitan ng "majority decision," sa kanilang ikatlong paghaharap noong November 12 (November 13 ng umaga sa Pilipinas) sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

(CLICK HERE to read related story.)

Kasama ni Manny na dumating ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa nang makita ang kanilang apat na anak—sina Emmanuel Jr., Michael, Princess, at Queen Elizabeth—na matiyagang naghintay sa arrival area ng NAIA.

BE FILIPINO. Ang pagpapasalamat sa suporta ng mga Pilipino ang unang ginawa ng Pambansang Kamao nang humarap siya kanina sa mga miyembro ng media sa short press conference na ginanap sa arrival area ng Centennial Airport.

"Salamat sa sambayanang Pilipino sa walang sawang suporta.

"Sa awa ng Panginoon, nanalo tayo," simula niya.

Nagbigay rin ng pahayag si Manny sa mga kababayan niya na hindi kumbinsido sa kanyang pagkapanalo.

Aniya, "At doon naman sa mga ibang tao na naniniwala na hindi tama yung desisyon, magpakatotoo ka. Maging Pilipino ka."

Paliwanag pa ng boksingero, "Yung kaliwang paa ko, tumigas ng third round.

"So, sa fourth round, halos hindi ko maigalaw dahil tumigas siya.

"Buti na lang, nung mga last five rounds, medyo nawala-wala yung sakit niya, kaya medyo naigagalaw-galaw ko."

NOT CONVINCING. Dagdag pa ng boxing champion, "Ang paniniwala ko, bago pa natapos yung 12 rounds, lamang ako at panalo ako.