Gerald Anderson on his Won't Last A Day Without You co-star Sarah Geronimo: "Nakilala ko siya, naging close kami. Siya 'yung pinaka-close ko ngayon na babae."

 

"Honestly, mas marami po akong alam tungkol sa kanya na siguro, hindi alam ng ibang tao.

 

Photo: Noel Orsal

Sa muling pagtatambal ni Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo para sa kanilang follow-up movie na Won't Last A Day Without You, itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald:

Wala bang oposisyon mula sa mga Kimeralds ang pakikipag-team-up niya sa iba?

Para sa kanyang sagot, nakangiti at mabilis niyang itinuro ang mga fans na naroroon din sa Dolphy Theater noong Sabado ng tanghali, November 19.

Aniya, "Nandiyan nga sila. Sobra pong natutuwa sila. 

"Sa shooting namin ni Sarah, dumadalaw sila. 

"At saka, sobrang supportive sila."

CLOSER THE SECOND TIME AROUND. Kumpara raw noong ginawa nila ang unang movie na pinagtambalan nila, this time raw ay masasabi ni Gerald na mas naging close sila ni Sarah.

Mas nami-miss din daw niya si Sarah ngayon kapag hindi kasama.

"Sigurado po ako, kapag natapos na itong shoot namin, mami-miss ko si Sarah. More than po noong first movie namin.

"Pero ngayon, mas nakilala ko na po siya, mas nakapag-usap na kami ng matagal, malalim.

"At sana po, mas magkaroon pa ako ng chance na mas makilala pa siya even after the movie," hiling ni Gerald.

Consistent naman si Sarah sa pagsasabi na kung mai-in-love itong muli, mas gusto nito na ang magiging susunod na mamahalin ay ang mapapangasawa na rin.

May pressure raw ba 'yun sa part ni Gerald?

Sabi naman ni Gerald, "Wala naman po.  Siyempre, kahit ako naman po, kahit sino naman pong talaga, ganoon naman pong talaga dapat."

Ayon kay Gerald, loveless pa rin daw siya hanggang ngayon.