news

LJ Reyes on feedback on her performance in Time of My Life: "I am flattered and overwhelmed and blessed."

by Rose Garcia posted on November 22, 2011  STATS: 14031 Views | 16 Comments

LJ Reyes on the positive feedback she garnered for her role in Time of My Life: "Nakakataba po talaga ng puso na magustuhan nila ang isang character na pino-portray mo. Especially that my character is an antagonist. It is not easy to like a character who is evil."

 

"Salamat kung naiparamdam ko sa kanila ang mga nasa puso ni Zaira. Sa pagsasayaw, salamat din po. Wala po talaga along masabi kundi katakut-takot na pasasalamat. This serves as an inspiration for me to be better at this."

 

"Iba kasi ang feeling pag sila ang ka-eksena mo. I will also definitely miss those behind the camera.

"The staff and crew na naging kaibigan ko na rin naman. We had our moments behind camera, the laughs and jokes we share every taping day."

POSITIVE FEEDBACK. Hindi rin daw niya akalain na kahit kontrabida ang role niya bilang si Zaira, marami ang naka-appreciate nito.

Ayon nga kay LJ, nao-overwhelm raw siya sa mga naririnig at nababasang comments ng mga tao sa ginawa niya.

"Maraming beses ko na po 'to sinabi sa Twitter, at uulitin ko pa rin po.

"Nakakataba po talaga ng puso na magustuhan nila ang isang character na pino-portray mo.

"Especially that my character is an antagonist. It is not easy to like a character who is evil," natatawa niyang sabi.

"Salamat kung naiparamdam ko sa kanila ang mga nasa puso ni Zaira. Sa pagsasayaw, salamat din po."

Ang tinutukoy ni LJ ay ang mga dance sequence niya sa teleserye na nag-ani rin ng puri para sa kanya.

Pagpapatuloy niya, "Wala po talaga along masabi kundi katakut-takot na pasasalamat. This serves as an inspiration for me to be better at this.

"I am flattered and overwhelmed and blessed.

"Sa lahat-lahat ng artists na pwedeng pagbigyan ng role na ito, ako ang napili nila.

"And that's also the reason why i really did my best. Thankful po ako kay God siyempre.

"I'd prayed for this and He gave it to me. Thankful din ako sa tiwalang binigay ng network sa 'kin."

WHAT'S NEXT? Sa ngayon, hindi pa raw alam ni LJ kung ano ang follow-up projects niya.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  aiskeep

    11/23/2011 | 01:14 AM
    pinilit ko panoorin kahit isang episode... nabwiset lang ako, di na nga acting sayaw na lang wala pa din kwenta... iisa lang ang moves.. ano bahhh??? saksakan ng baduy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  iam_brainful

    11/22/2011 | 04:44 PM
    may show plang ganito? cute ng title ha, English pa, gusto ata maging classy at sosy like ABS-CBN shows.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jazzz

    11/22/2011 | 04:26 PM
    cnu un thunder... share naman hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  thunder_1273

    11/22/2011 | 04:04 PM
    Different username pero iisang TAO lang... buko ka ngayon hahahah!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  flightforge29

    11/22/2011 | 03:57 PM
    natigok na ba ang palabas na ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  fujiko77

    11/22/2011 | 03:06 PM
    wala manlang effort na magkaroon ng makabagbag damdaming dance hataw mega showdown! akala ko, mag eeffort sila na mala Step Up... susko.. mas malamya pa sa production number sa PP ang ginawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  whatheheck

    11/22/2011 | 12:30 PM
    who this?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lady_fox

    11/22/2011 | 11:23 AM
    nagbigay ako ng comment based sa napanood ko last friday. Finale na pala di man lang na effort ng husto ang mga kasama nya. Magaling si LJ umarte, kaya nga nanghihinayang ako dahil walang dating dating yung ibang kasama nya. sorry kasi di ko napanood ito from the start, ending lang dahil gusto mapanood ng niece ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nzabanal

    11/22/2011 | 11:12 AM
    kung hindi ninyo napanood ang kabuuan ang Time Of My Life kung magbigay ng nega remark..excuse me lang .. Your not giving a balance comments ..Naintindihan mo naman siguro Lady fox
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    11/22/2011 | 11:01 AM
    maganda ang story and casts ng Time Of My Life. Ang di lang maganda masyado ay directing at camera shots. Overall its worth watching. Congrats sa GMA7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thunder_1273

    11/22/2011 | 10:53 AM
    Nauna pang nag-comment ang di naman pala napanood ng buo ang TELEBABAD na to... tsk...tsk... puro na lang NEGATIVE ang laman ng utak...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    11/22/2011 | 10:17 AM
    congrats! kinilabutan ako nung maputol ang paa ni zaira.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    11/22/2011 | 10:16 AM
    i like LJ, and i liked her character... sana lang mas mahaba pa yung redeeming factor ng character nya... but the show was good...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    11/22/2011 | 10:01 AM
    she is an effective actress but her character was badly written. nakaka-irita kaya di ko masyadong pinanuod. typical kontrabida lang na scheming at maldita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Johann29

    11/22/2011 | 09:10 AM
    natapos na pla, prang walang impact...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lady_fox

    11/22/2011 | 08:51 AM
    napanood ko for the first time itong teleserye nung Friday, Finale na pala yun. Sayang ang acting mo teh kaso yung isang babae na kasama mo , i dunno the name, di nag effort umarte. Magaling ka pa naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About