Queenie Padilla: "When I was in showbiz, I was very unhappy. Actually, I already quit [showbiz] like eight months [ago], since my last appearance on TV. I was lost and I always felt I never belong. But now that Allah is in my life, Alhamdullilah, La illa illalah, I am so happy and content in my life."

Photo: Noel Orsal

Tuluyan nang iniwan ni Queenie Padilla ang mundo ng showbiz.

Si Queenie ang panganay na anak ng action star na si Robin Padilla sa dati nitong asawa na si Liezl Sicangco.

Ayon sa report ni Charles Tabbu ng ABS-CBN News kahapon, Nobyembre 21, pinili ni Queenie na sundin ang buhay ng isang Muslim.

 

"Islam is a way of life," paliwanag ng dalaga.

"When you start to [become a] Muslim, you know [what] your life purpose really is.

"I am such a sinful person, but Allah invited me to his house. I am so close to him."

HAPPY AND CONTENTED. Napagdesisyunan ni Queenie na tuluyan nang iwan ang showbiz matapos niyang sumali sa Hajj nitong taon.

Ayon sa BBC.com, ang Hajj ay isang "ritual that is designed to promote the bonds of Islamic brotherhood and sisterhood by showing that everyone is equal in the eyes of Allah."

Huling napanood si Queenie sa pelikulang TUM: Pledge of Love (2011), na pinagbidahan ng kanyang ama at bagong asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Ilan din sa mga ginawa niyang teleserye noon ay Totoy Bato (2009) at Momay (2010).

Ngayong nakabalik na siya mula sa Hajj, doon lang muling naramdaman ng dalaga ang maging "happy and contented."

"When I was in showbiz, I was very unhappy," pag-amin ni Queenie.

"Actually I already quit [showbiz] like eight months [ago], since my last appearance on TV.

"I was lost and I always felt I never belong.

"But now that Allah is in my life, Alhamdullilah, La illa illalah, I am so happy and content in my life."