Gladys Reyes on throwing birthday parties for her kids: "Alam niyo naman ako, minsan lang namang mag-first birthday ang mga anak ko. So, I see to it na may celebration talaga. Tapos 'yung mga succeeding birthdays, simple na lang, parang family na lang."

 

"Ako na mismo ang nag-o-organize kahit masakit ang ulo ko. Kahit ang haba-haba ng preparation. Tapos, isang araw lang."

 

 

Photo: Rose Garcia

Isang bonggang first birthday party ang ipinagdiwang ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas para sa kanilang bunsong anak na si Grant Carlin.

Ito ay naganap noong Linggo ng hapon, November 20, sa Grand Terrace sa Quezon City.

Si Grant ang ikatlong anak nila. Ang panganay nila ay si Christophe, 5 anyos; pangalawa naman ang nag-iisang babae na si Aquisha, 3 anyos.

Ayon sa mag-asawa, lahat ng mga anak nila ay pinaghahandaan talaga nina Gladys at Christopher lalo na kapag unang kaarawan ng mga ito.

Ayon kay Gladys, "Alam niyo naman ako, minsan lang namang mag-first birthday ang mga anak ko. 

"So, I see to it na may celebration talaga.

"Tapos 'yung mga succeeding birthdays, simple na lang, parang family na lang.

"Pero importante sa akin ang first [birthday] and seven years old dahil minsan lang naman silang maging bata.

"Pero, actually, hindi rin naman natutupad ang first and seventh lang, kasi kahit second birthday pinaghahandaan pa rin.

"Kasi, feeling ko kapag first, hindi pa naman niya naa-appreciate. E, pag-third, nag-aaral na.

"So, siyempre, may kaklase. So, parang walang katapusan. But I love children's parties!

"So, ako na mismo ang nag-o-organize kahit masakit ang ulo ko. Kahit ang haba-haba ng preparation. Tapos, isang araw lang.

"Lucky lang ako na ang dami kong kaibigan, suppliers.

'Yung iba naman, ever since mag-asawa pa lang kami ni Christopher hanggang nag-first birthday ang panganay ko, [ang] pangalawa, sila pa rin.

"Kaya very thankful ako sa kanila na nagkaroon din ng ganitong kalaking party."