Iza Calzado on her dad's posthumous award from the PMPC: "Siguro ang sarap ng pakiramdam niya ngayon na, 'Naalala pa rin pala nila 'yong naging kontribusyon ko.' Siguro iyon ang iniisip ng tatay ko ngayon, so I'm really just grateful."

 

 

Photo: Noel Orsal

 

Binigyan ng posthumous award si director-choreographer Lito Calzado sa naganap na Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kagabi, Nobyembre 22, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Ang anak ni Direk Lito na si Iza Calzado ang tumanggap ng nasabing parangal.

Sa pamamagitan ng award, kinikilala ng PMPC ang mga naging kontribusyon ni Direk Lito bilang choreographer at floor director sa awards nights, gaya ng Star Awards at iba pang malalaking showbiz events.

Sa kanyang acceptance speech para sa kanyang yumaong ama, ramdam ang magkahalong lungkot at saya mula kay Iza. 

Gayundin ang pagiging isang proud daughter ng isang Lito Calzado na mahal ng marami ng nasa industriya ng telebisyon.

BIG THING. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iza pagkatapos niyang tanggapin ang posthumous award para sa kanyang ama, inihayag ng aktres ang kanyang kasiyahan sa pagkilalang ipinagkaloob ng PMPC kay Direk Lito.

"Big thing itong parangal na ito para sa Dad ko," sambit niya.

"Kasi puwede naman nilang palampasin, di ba?

"Puwede naman nilang hindi bigyan ng plaque of appreciation. 

"They can just forget, di ba?

"Pero the fact that they remember yung mga nagawa niya, it's a big thing.

"And I'm really, really grateful to the PMPC Star Awards for this recognition for my father.

"I wish he was here. To understand and feel it. 

"And to know that... alam mo naman minsan yung mga ano... may mga tampo na, di ba? Na parang, 'Naaalala pa ba?'

"Siguro ang sarap ng pakiramdam niya ngayon na, 'Naalala pa rin pala nila 'yong naging kontribusyon ko.'