"Pero, if the station thinks I'm worth a certain amount, then I will have to agree with them," Sharon Cuneta quips when asked about reports that her five-year contract with TV5 is worth one billion pesos.

Photo: Courtesy of TV5

Inaabangan na ang pagsabak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang unang project sa TV5 matapos niyang pumirma ng five-year exclusive contract sa Kapatid Network kahapon, Nobyembre 22.

Kabilang sa mga humarap sa contract signing: TV5 president & CEO Atty. Ray Espinosa, TV5 chief operating officer Robert Barreiro, at ang mga tumatayong talent managers ni Sharon na sina Sandra Chavez at Vic del Rosario ng Viva Artists Agency, Inc.

ONE-BILLION-PESO TALENT FEE? Mas lalong napag-usapan ang kanyang paglipat mula sa ABS-CBN dahil sa balitang one billion pesos ang talent fee umano ni Mega sa TV5.

Sa ulat ng Aksyon ngayong gabi, Nobyembre 23, tinanong ng News5 reporter na si MJ Marfori si Sharon tungkol dito pagkatapos ng contract signing kahapon.

"I'm not in the position to confirm or deny that.

"Pero, if the station thinks I'm worth a certain amount, then I will have to agree with them," sabay tawa nang malakas ni Sharon.

ON GOOD TERMS WITH ABS-CBN. Samantala, maayos naman daw siyang nagpaalam sa dati niyang home network.

"If my bosses and I understand each other, my bosses in my other home station,  I see no reason why other people won't understand it," paliwanag niya.

Patunay sa maayos na paghihiwalay ni Sharon at ng ABS-CBN ang positibong statement na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng Corporate Communications department ng Kapamilya network. Ito ang nilalaman:

"Sharon Cuneta has her reasons for moving to another channel and we would like to respect that. Sharon has been a revered Kapamilya for many years, and we genuinely wish her well in her new journey. We will truly miss her."

MEGASTAR'S UPCOMING PROJECTS. Gaya ng nabanggit sa mga naunang report, isang daily show at isang reality show ang nakahanda para kay Mega sa telebisyon.

Isang pelikula rin ang siguradong gagawin ni Sharon, at ito nga ay ang inaabangang comeback movie nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

"To all our fans, by March, the Sharon-Gabby movie will start shooting," ang anunsiyo ng singer-host-actress.

OKAY WITH HUBBY AND KC! Ayon pa kay Sharon, supportive naman daw ang mister niyang si Senator Kiko Pangilinan nang malaman ang kanyang paglipat sa TV5.

Maging ang panganay na anak ni Mega na si KC Concepcion ay happy rin para sa kanyang mommy.