JC Tiuseco doesn't mind being paired with "kahit sino." But when asked to choose, he says, "As of now siguro, yung mga naka-work ko na, like si Jackie Rice, sila Sarah Lahbati."

Photo: Noel Orsal

Kung bibigyan siya ng pagkakataong maging male lead, ang gustong makapareha ni JC Tiuseco ay sina Jackie Rice at Sarah Lahbati.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Kasi nakausap ko na sila, nakasama ko na nang madalas.

"Sobrang parang pag sila yung kasama ko, sobrang relaxed na comfortable na agad ako mag-acting na kasama sila."

Nakatrabaho niya si Jackie sa Sisid, habang kasama naman niya ngayon si Sarah sa Kokak, na nagkaroon ng press conference kamakailan.

At kung hindi man ang dalawang Starstruck winners ang magiging screen partners niya, okay naman daw na may iba siyang makatrabaho.

"I think naman na puwedeng mangyari with other actresses na hindi ko pa nakikilala so hindi ko pa alam.

"Pero I'm sure pagka may nakasama akong bago, maging okay naman lahat," ang pahayag ng first Survivor winner dito sa bansa.

Si Mikael Daez, na co-talent ni JC sa Mercator Artist & Model Management, ang hinihiling ng ilang fans na ipareha kay Sarah.

Pero si JC ang nakapareha ng dalaga sa Kokak.

May ilang fans na nagsasabi tuloy na "inagaw" nito si Sarah kay Mikael.

Nangiti lang ang dating model-cager, sabay sabing, "Siyempre, super happy din ako.

"I mean sobrang galing ni Sarah na umarte kahit bago pa lang siya.

"Sobrang excited ako kasi every time na may nakaka-eksena ako na magaling umarte like ni Sarah, namo-motivate ka rin, makakahugot ka rin ng mga emotions from her.

"So I'm very excited and sobrang suwerte ko na napili ako na makasama niya sa Kokak to be one of  her leading men."

IMPRESSION. Ano ang impression niya sa half-Pinay/half-Morrocan beauty?