PEP EXCLUSIVE: Andi Eigenmann showed strength and courage in delivering her baby, says brother Gabby Eigenmann

Rose Garcia
Wednesday, November 23, 2011 @ 10:07PM  |  140813 views

 

Gabby Eigenmann on sister Andi Eigenmann, who gave birth to a healthy baby girl: "Bago nga siya dinala sa recovery room, tinanong ko pa siya, 'Are you happy?' Nag-nod naman siya and she said yes. So, ako, basta okay ang kapatid ko, masaya, okay ako."

Photo By: Noel Orsal













Isang healthy 7.8 lbs. baby girl ang isinilang ni Andi Eigenmann via caesarean section kaninang hapon, November 23, sa St. Luke's Hospital sa Global City, The Fort, Taguig City. 

Pinangalanan ni Andi ang kanyang anak na Adrianna Gabriellie; Ellie ang palayaw nito.

Alas-diyes pa lang ng umaga ay nasa ospital na si Andi.

Pero, umabot din ng ilang oras ang pagle-labor nito hanggang sa nauwi rin sa cesarean delivery.

Hindi na naabutan ng mga magulang ni Andi na sina Jaclyn Jose at Mark Gil ang pagsilang ng kanilang apo.

Pareho kasing nasa taping sina Jaclyn at Mark ng pinagsasamahan nilang teleserye sa TV5, ang Valiente, at sa Batangas pa ang location nito.

Kung kaya't ang mga kapatid, tiyahin, at pinsan ang nakasama ni Andi sa kanyang panganganak.

ANDI'S DELIVERY. Si Gabby Eigenmann, kuya ni Andi, ay isa sa mga pinadalhan ng text message ng young actress noong nasa ospital na siya.

Isa rin si Gabby sa mga unang nagpunta sa St. Luke's at umalalay sa kapatid.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby, ikinuwento nito ang ilang detalye kaugnay ng panganganak ni Andi.

Salaysay ni Gabby: "Around ten in the morning, nandito na siya. 

"Pumutok kasi yung water bag niya sa bahay pa lang ng maaga kaya pumunta na siya agad ng hospital. 

"Hinihintay sana na mag-normal delivery. 

"Tiningnan nila hanggang four o'clock in the afternoon.

"Kaso, at that time, mataas pa rin ang puwesto ng bata. Hindi bumababa. 

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

47 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name