Barbie Forteza on what Christmas gift she wants from Joshua Dionisio: "Ayokong magbigay ng idea kasi gusto ko talaga, siya yung mag-isip, siya yung magkakaroon ng idea kasi kilala naman niya ako. At kasi dun talaga malalaman kung talagang kilala na niya ako, dun sa regalong ibibigay niya sa akin, kung talagang nababagay sa akin yung ibibigay niya. Para sa akin, mas gusto ko yung hindi ko alam. Kasi kung alam ko, kung ako yung nag-request, sana ako na lang bumili kung alam ko, di ba?"

Photo: Noel Orsal

Sa November 30 ay magsasalpukan sa takilya ang dalawang malalaking Tagalog movies mula sa major film outfits sa bansa—ang The Road ng GMA Films at Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Tampok sa The Road ang maraming artista ng Kapuso network, na kinabibilangan nina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, TJ Trinidad, Rhian Ramos, Alden Richards, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Barbie Forteza.

Bida naman sa Won't Last A Day Without You ang muling tambalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Barbie Forteza kaugnay ng sabay na pagbubukas sa mga sinehan ng The Road at ng pelikula nina Sarah at Gerald.

Sa palagay ba niya ay maaapektuhan ang kita ng bawat pelikula dahil dito?

Ayon kay Barbie, "Para sa akin, parang wala naman pong magiging kumplikasyon man, kung iyon po iniisip ninyo, kasi magkaiba naman po yung istorya.

"Parang yung sa kanila po 'ata, love story po. Iba po yung sa amin, yung The Road.

"Ito po, kakaibang horror film. So, kung ang trip ng mga tao, matakot, siyempre ang papanoorin nila yung movie namin.

"Pero hindi rin naman namin masisisi yung mga tao kung ano ang gusto nilang panoorin.

"Basta kami, gumawa kami ng movie para mapasaya namin ang mga tao, or para matakot namin sila, or para ma-entertain namin sila.

"Sila na yung bahala kung ano ang gusto nilang panoorin."

R-13. Dahil sa maselang istorya ng The Road ay nabigyan ito ng R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang ibig sabihin, ang mga makakapanood lamang nito ay mula 13 years old pataas.

Ano ang reaksiyon dito ni Barbie?

"Para sa akin, kung sakali mang gustong manood ng mga tweens na katulad ko, siguradong hindi naman sila papabayaan ng mga parents nila.