Kristoffer Martin on being paired with other young actresses: "Okey lang po sa akin 'yon at napag-usapan na rin namin 'yan ni Joyce [Ching]. Kung mas makakatulong sa career namin ang mai-partner kami sa iba, hindi po kami tututol."

Photo: Noel Orsal

Simple lang ang naging selebrasyon ng 17th birthday ng tween star na si Kristoffer Martin noong November 13, kasama ang kanyang pamilya na nanggaling pa sa Olongapo City.

Kuwento ng Kapuso young actor, "Mas gusto ko kasing kasama ang family ko.

"Twice a week na nga lang ako makabisita [sa Olongapo], dahil sa sobrang hectic ng schedules ko sa tapings.

"Pero kahit pagod, ginagawa ko pa rin ang bumiyahe mula sa Quezon City para lang makasama ko sila.

"Lagi ko silang nami-miss kaya kahit once a week lang, makasama ko sila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa set ng Ikaw Lang Ang Mamahalin sa Quezon City.

BIRTHDAY WISH. Ang wish ni Kristoffer ngayong birthday niya ay ang patuloy na magandang takbo ng kanyang career.

Kaugnay nito, pinasasalamatan ni Kristoffer ang GMA-7 sa mga magagandang projects na ibinibigay ng network magmula nang maging Kapuso siya.

Pagkatapos kasi ng Endless Love, kunsaan gumanap siya bilang batang Dingdong Dantes, sunud-sunod na ang naging proyekto niya sa Kapuso network: Tween Hearts, Munting Heredera, at Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Marami pong salamat sa tiwala at sa paniniwala," nakangiting sabi ni Kristoffer.

"Nagkaroon po ng magandang direksiyon ang career ko noong maging part na ako ng GMA-7.

"Magaganda ang mga project na ibinibigay nila sa akin at lahat ay maganda ang ratings.

"Kaya ipinapakita ko naman ang sipag ko sa lahat ng mga trabahong ginagawa ko para sa kanila."

GOING BACK TO SCHOOL. Kung meron mang isa pang wish si Kristoffer sa kanyang birthday, ito ay ang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.