"Inisip na lang naming dalawa na mag-focus kami do'n sa teamwork namin. Kung gusto ninyo kaming ikumpara, ikumpara n'yo na lang kami kay Sir Boyet para takot talaga kami," says Jericho Rosales on the possibility his acting will be compared with Piolo Passcual's.

Photo: Monching Jaramillo

Pormal na ipinakilala si Jericho Rosales kaninang tanghali, November 24, bilang endorser ng Vantage double-bladed razors sa isang presscon sa Area 05 sa Tomas Morato, Quezon City.

Bago ang panayam ay nagpaunlak ng dalawang kanta si Echo (palayaw ni Jericho) na inialay niya sa ilang miyembro ng press na naroon at para na rin sa lahat ng dumalo.

Birong tanong kay Echo: Ngayong endorser na siya ng pang-ahit, ibig bang sabihin nito ay magiging "matalas" na rin siya pagdating sa pag-ibig?

"Alam mo, 'yan ang isang bagay na pinapapurol ko, e.

"Ang dami ko na kasing past relationships, kaya ang plano ko talaga, medyo susuwabehin ko lang ngayon," pabiro rin niyang sagot.

Pero sa tingin ba niya, he deserves to be happy? Ibig sabihin, magkaroon ng taong magmamahal at minamahal?

"Everybody deserves to be happy," bawi niya.

May bukod-tanging babae ba ngayon sa kanyang buhay?

Sagot ng aktor, "Mero'n naman... mero'n naman akong ano... pero inuuna ko na lang muna yung trabaho ko.

"Ayoko mapunta yung buhos ng attention ko sa lovelife ko, e.

"I have a lot of ano...marami akong kailangang i-prove.

"Ayokong mag-focus yung attention sa lovelife. Pero, it's important to be happy."

WHAT WOMEN PREFER. Ano ba ang mas gusto ng babaeng kanyang nahahalikan—yung nakapag-ahit o hindi nakapag-ahit?

"E, ano 'yan, e... May mga babaeng gusto yung pag nahahalikan sa pisngi na may konting stubbles.