Richard Gomez excited about pairing up anew with Dawn Zulueta in teleserye; enjoys game show stint with TV5

Ruben Marasigan
Thursday, November 24, 2011 @ 05:08PM  |  418 views

 

Richard Gomez on former love team partner Dawn Zulueta: "Basta ang masasabi ko, masarap na katrabaho si Dawn. Magaling na artista. Very professional."

 














Nakakatuwang makitang muling magkasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. 

Sila ay isa sa mga naging magkapares na nag-host ng katatapos na 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong Martes, Nobyembre 22, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Kasama rin nilang nag-host sina Piolo Pascual at Shamcey Supsup.

REUNITED. Matatandaang ang tambalang Richard at Dawn ang isa sa mga pinakamainit na loveteams noong 1990s.

Mula sa tambalang pampelikula ay tuluyan na ngang humantong sa pag-iibigan ang relasyon ng dalawa, simula noong gawin nila ang pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit noong 1991, na idinirehe ni Carlitos Siguion-Reyna.

Hindi man nagkatuluyan sina Richard at Dawn, napanatili nila ang magandang samahan bilang magkaibigan magpa-hanggang ngayon, kahit na may kanya-kanya na silang pamilya.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard noong mismong gabi ng Star Awards, naikuwento nito ang pananabik niya sa pagbabalik-tambalan nila ni Dawn sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.

"Next week, we're starting to tape na sa ABS-CBN yung Walang Hanggan," panimula ni Richard.

"Working again with Dawn? It's nice.

"It brings back memories. Oo.

"Basta ang masasabi ko, masarap na katrabaho si Dawn. Magaling na artista. Very professional.

"At saka ang haba rin ng pinagsamahan namin ni Dawn, e.

"No'ng first time na nag-meet kami... parang story conference 'yon. It was nice. It was nice to see her again.

"Kasi no'ng nag-separate kami noon ni Dawn, magkaibigan kami, e."

Ano ang una niyang naramdaman noong sinabihan siyang makakatrabaho niyang muli si Dawn?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name