Xian Lim says his loveteam with Kim Chiu in My Binondo Girl is getting positive response from the Kimerald fans. "Naramdaman ko rin po yun. Kasi in-expect ko sa Twitter, maraming magagalit. And ngayon po, puro positive. Puro nakaka-uplift yung comments nila, e."

Photo: Monching Jaramillo

First solo presscon para kay Xian Lim ang naganap kagabi, November 24, sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ELJ building sa ABS-CBN compound.

Ayon sa binata, hindi siya sanay na siya lang ang nasa presscon.

Kakaiba raw ang kanyang pakiramdam dahil dati ay maramihan silang artista kung iharap sa press.

Ngayon, sa kanya lang ang spotlight.

BIG-STAR STATUS? Kung pagbabasehan ang tilian sa kanya noong nakaraang Linggo, November 20, sa benefit concert na pinangunahan ni Piolo Pascual, mas kuminang na nga ang star status ni Xian.

Ang benefit concert ay pinamagatang A Night to Give Back at ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato.

Ramdam ba niya ang pagbabago sa kanyang career?

"Oo naman," sagot niya.

Sabay natawang bawing, "Hindi naman. Hindi naman po. Hindi, I feel really thankful.

"Kanina nga no'ng pagkapasok ko... I'm so used to, yung marami kami. 'Ako lang ba to?'"

Ano ang nararamdaman niya? Nararamdaman ba niyang sikat na nga siya?

Sagot ni Xian, "Napi-feel ko na maraming schedules. Na maraming... ayoko pong sabihin yung importansiya. Para namang ang yabang no'n.

"Napi-feel ko po yung pressure.

"Thankful naman ako na nararamdaman ko yung pressure, kasi matagal ko ring hinihiling 'yan.