Jolina Magdangal on why they kept their wedding a "secret" to many: "Ang sa akin, sige, public property ka pa rin. You owe it ganyan, ganyan. Sige, pero isang araw lang din na mangyayari ito. Puwede namang sa next birthday ko, puwedeng i-invite lahat, kasi ang birthday nangyayari ulit. Baka lang puwedeng yung isang pangyayaring ito, baka puwedeng hingin ko na. Kasi buong buhay ko naman, nai-share ko na."

Photo: Courtesy of Mark Escueta and Jolina Magdangal

Tatlong araw pagkatapos ng kanilang garden wedding noong Lunes, November 21, ay nagpaunlak ng sit-down interview ang bagong kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press kagabi, November 24.

Ginanap ang panayam sa Studio 4 ng GMA Network Center.

Unang ikinasal sina Jolina at Mark sa isang Catholic church noong November 19, Sabado, na dinaluhan ng hindi hihigit sa dalawampung katao.

At nung November 21 naman ay ginanap ang kanilang garden wedding sa Splendido Golf and Country Club sa Tagaytay, Cavite, kung saan higit sa isandaang katao ang imbitado.

(CLICK HERE to read related story.)

WHERE DO THEY STAY? Ang unang tanong kina Jolina at Mark sa sit-down interview sa kanila ng entertainment press ay kung kumusta ang pagiging Mr. and Mrs. Escueta nila.

Nararamdaman na ba nila ang buhay-may asawa?

Nakangiting sagot ni Jolina, "Hindi pa masyado...although...pero nararamdaman ko na ang mga susunod na araw na aming lilinisin ang mga gamit. 

"Kakabukas lang namin ng mga gifts kagabi [November 23]."

Sa ngayon, sa bahay muna nina Mark sa Parañaque tumutuloy ang bagong kasal. Ang isa kasing kapatid na lalake ni Mark ay bumalik na rin sa Amerika noong Martes, November 22, kaya may kuwartong nabakante sa bahay nila.

Ayon pa kina Mark at Jolina, hindi pa nila sigurado kung saan talaga sila titira dahil wala pa silang matatawag na sariling pundar nilang bahay. 

Bagamat si Jolina ay may family home sa Quezon City.

Ayon pa kay Jolina, "Kanina, bumalik muna kami ng Commonwealth kasi yung ibang gamit, nandoon pa. 

"Meron kaming mga interview ngayon para sa [wedding] special.

"Although hindi pa nga kami nakakapag-decide kung ano talaga.