PART 2. Jolina Magdangal and Mark Escueta plan to spend honeymoon in Alaska; wish to have three kids

Rose Garcia
Friday, November 25, 2011 @ 03:23PM  |  490 views

 

Mark Escueta on relationship with wife Jolina Magdangal: "Ang pinaka-strength yata namin, kaya naming mag-usap—kahit saan, kahit kailan, kahit anong oras, may ilaw, wala, nasa traffic... Na alam ko pagdating ng araw, na hindi na ako nakakalakad, magkakausap pa rin kami. Hindi na ako nakakatugtog, pero alam ko na meron akong best friend na nasa tabi ko."

Photo By: Courtesy of Mark Escueta and Jolina Magdangal













Bohemian-inspired ang ini-request nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na suutin ng mga bisita sa kanilang garden wedding noong November 21.

May pagka-Bohemian din ang style ng wedding gown ni Jolina. 

Pero dahil sa garden ang setting ng kasalan, nahaluan din ito ng fairy theme dahil sa pakpak na suot ni Jolina sa reception.

Ayon kay Jolina, kinailangan pa nilang orderin sa U.S. ang isinuot niyang pakpak dahil walang gumagawa ng ganoong klase rito sa Pilipinas.

Pero hindi maikakailang masaya at kuntento si Jolina dahil ibinigay ni Mark ang klase ng wedding na pinapangarap nito.

Ani Mark, "Ako naman, mula umpisa, ibinigay ko sa kanya.  

"Basta ako, simple lang: gusto ko masaya siya.

"Hanggang sa magka-bahay kami, sa kanya ko ipapaano lahat yun."

Natatawang biro naman ni Jolina, "Ay, naku, puno ng butterfly yun [bahay], sige ka!"

Ayon pa kay Mark, "Ita-try ko talaga ang best ko na mangyari lahat ng gusto niyang mangyari."

Pero sabi ni Jolina, "Ayoko namang isipin na ako, ako, na puro idea ko yun. 

"Hindi naman mangyayari yun kung hindi niya ako tinulungan. 

"Yung scrapbook, sa kanya yun, e. 

"Yung layout, idea na gawing scrapbook, sa kanya yun.

"Invitation, kanya yun."

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name