Sabay na dumating sa isang event sa Makati sina Paulo Avelino at LJ Reyes noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 24,  pero iniwasan nilang pag-usapan kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa. Makikita naman na sila pa rin talaga, pero ang usapin ng pagiging magulang sa kanilang anak ay iniwasan nilang sagutin.

 

Photo: Noel Orsal

Sabay na dumating sa isang event sa Makati sina Paulo Avelino at LJ Reyes noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 24,  pero iniwasan nilang pag-usapan kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Makikita naman na sila pa rin talaga, pero ang usapin ng pagiging magulang sa kanilang anak ay iniwasan nilang sagutin.

At nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo, hiling pa rin niya na huwag nang itanong ang tungkol dito na malugod naman naming pinagbigyan.

Sa halip, tinanong namin kung ano ang masasabi niya sa tila gumaganda niyang career simula nang lumipat siya mula sa Kapuso network papuntang Kapamilya network.

"A, nag-improve naman, nadagdagan yung mga nakakakilala sa akin ngayon," pakumbabang sagot ng aktor.

Marami rin ang nakapansing nagkaroon ng "bigat" kahit papaano ang pangalang Paulo Avelino dahil sa magagandang projects na naibigay sa kanya ng Dos.

Ano nga ba ang nakita sa kanya ng network at ganun na lamang ang tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya?

Nabigyan ito ng kasagutan sa mga "challenging roles" na naibigay sa kanya sa 100 Days To Heaven at Maalala Mo Kaya.

Sagot ni Paolo, "Di ko po rin napapansin e, medyo naka-focus kasi talaga ako sa trabaho sa ngayon."

Dagdag pa niya, "Basta ang sa akin po, siguro know your priorities, know your job.

"And work hard to improve yourself...Be consistent."


Sa ngayon, abalang-abala si Paolo sa bagong soap ng ABS-CBN na Ikaw ang Pag-ibig at sa pelikula ng Regal Entertainment na Yesterday, Today and Tomorrow, na entry naman sa Metro Manila Film Festival 2011.

Nanghinayang si Paulo na wala silang eksenang magkasama ni Maricel Soriano, pero masaya na rin siyang magkasama sila ng Diamond Star sa pelikula ng Regal.

"Naka-eksena ko po sina Dennis Trillo, Solenn Heussaff, and Miss Agot Isidro.

"They're very professional, they are very good, kahit maiksi lang yung eksena ko, marami pa rin akong natutunan sa kanila," aniya.

Role daw niya sa pelikula ay ex-boyfriend ni Solenn.