Isang hindi makakalimutang eksena sa pelikulang The Road ay ang pagpapakain kay Carmina Villarroel ng buhangin ng asawa niya, na ginagampanan ni Marvin Agustin. Paano siya napapayag gawin ito?

"Eww talaga," sabay tawa ni Carmina. "Pero hindi naman siya totoong buhangin. Very thankful ako kasi merong ginawa si Direk Yam [Laranas] na para siyang mixture ng oatmeal na may chocolate powder. Masarap siya."

 

 

Photo: Courtesy of GMA-7


Aminado si Carmina Villarroel na excited siya sa pelikula ng GMA Films, ang The Road, na ipapalabas na sa Nobyembre 30.

Aniya, ito kasi ang comeback movie niya matapos ang ilang taon ding hindi siya napanood sa big screen.

"Na-excite ako sa pelikulang ito. Honestly, na-miss kong gumawa ng pelikula, period.

"It doesn't matter kung drama, horror, comedy. Excited na ako.

"Gusto ko na ngang lumabas doon, e.

"Gusto ko nang mapanood yung buong pelikula, especially ang dami kong naririnig na magagandang feedback.

"Not only sa akin, kundi sa buong pelikula.

"So, sobra akong happy, sobra akong proud na naging part ako nitong movie na ito," sabi ni Carmina.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa holding area ng cast ng The Road bago sila lumabas sa red carpet premiere ng naturang horror movie.

Ginanap ang premiere sa SM Megamall Cinema 3 kagabi, Nobyembre 25.

Ayon kay Carmina, ang Mano Po 2: My Home, na 2003 pa ipinalabas, ang huling pelikulang ginawa niya.

"Di ba ang tagal na? Kasi nga there was a time na hindi ako makagawa ng pelikula dahil sunud-sunod yung shows ko sa TV.

"Pag may soap ka, tapos may daily show ka pa, at may iba ka pang show, wala ka nang maibibigay na araw.

"So, talagang nag-lay low muna ako sa paggawa ng pelikula.

"Eto, timing naman kasi GMA Films, so nakakapag-coordinate sila sa TV pagdating sa schedule ko.