Hindi kumpleto ang taunang Metro Manila Film Festival kung walang pelikula ang award-winning director and screenwriter na si Jose Javier Reyes.
Ilan sa mga hindi makakalimutang MMFF entries niya ay ang Bakit Labis Kitang Mahal?, May Minamahal, Sugatang Puso, Malikmata, Spirit of the Glass, One Night Only, Kutob, Katas Ng Saudi, at ang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo starrers na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.
Ngayong 2011 MMFF ay muling pagsasamahan nina Direk Joey at ang mag-asawang Judai at Ryan ang bagong comedy tungkol sa mag-asawa na may kakaibang takbo ang buhay.
Ito ay ang My Househusband...Ikaw Na! ng OctoArts Films.
"This is a very different story. Malayo sa KKK at SSS.
"Pero tungkol pa rin sa mag-asawa. Yun nga lang, si misis ang nagtatrabaho at si mister ang tagapag-alaga ng bahay.
"Nangyayari naman 'yan in real life kaya ipapakita lang namin yung hilarious side of it," ang sabi ni Direk Joey Reyes.
"May mga kaibigan ako na naging mga househusbands.
"It's happened either by choice or by circumstances.
"Tulad na lang ni Ryan, I found out na his father was a househusband, because nagnegosyo ang father niya sa kanilang tahanan at hindi sa isang opisina.
"May ganyang mga situation na we don't find anything wrong.
"But, of course, there are hilarious moments between the househusband and the wife who goes to the office.
"Sa panahon ngayon na parehong magulang na ang nagtatrabaho, may mga ganitong pangyayari na hindi naman ginusto pero nangyayari talaga.
"This is real life and we want to show that in this film, na tamang-tama para sa Pasko."
UGE AS THE OTHER WOMAN. Kasama rin sa cast si Eugene Domingo bilang kapitbahay nila Ryan at Judai na gumaganap na isang "other woman."




0

