KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo: Noel Orsal

BOY: "Katulad?"

KC: "Yung mga kaya ko at di ko kayang gawin."

Sa puntong ito ay nagsimula nang maging emosyunal si KC.

BOY: "Bilang girlfriend?"

KC: "Bilang babae, na minsan... uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo.

"Kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat, Tito Boy.

"Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat.

"Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap.

"Yun pala, hindi pala dapat gano'n."

BOY: "In some of your interviews, may mga pagkakataon na hindi namin masyado maunaawan ang sinasabi mo, especially when you refer to wanting to speak up tungkol sa ilang mga bagay na may kinalaman kay Piolo Pascual.

"Ito ang tanong ng ilang taong nanonood sa atin ngayon, sa pag-uusap na ito: Bakit ka nagsasalita ngayon? Why are we talking about this? Why the need to be able to tell your story?"

KC: "Tito Boy, kasi kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili ko...uhm, ang dami po kasing nangyari."

BOY: "Can I give you the word? Katinuan? Sanity? Katahimikan?"

KC: "Opo, opo.

"Ang dami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga, may mga masasayang moments naman, Tito Boy.