KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo: Noel Orsal

BOY: "Galit ka?"

KC: "Ngayon ko lang po na-realize na opo."

BOY: "Galit ka dahil? Anong nagawa sa iyo? Ano ang hindi mo kinaya? At bakit ka galit?

KC: "Ewan ko kung bakit, paanong nangyari yung pain, at saka yung sama ng loob naging galit.

"Na talagang nagugulat din ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako.

"Hindi naman ako gano'n, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay.

"And then siya [Piolo], natatawa lang siya kapag nakikita kong ini-interview siya, idadaan lang niya sa joke.

"Sa tingin ko, 'Bakit ikaw ganyan? Ako ganito?'

"Bakit parang hanggang sa huli, mag-isa lang ako rito?

"Anong sasabihin ko sa pamilya ko?

"Anong sasabihin ko kay Mama [Sharon Cuneta] na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na?

"Kasi kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, 'Bakit?'

"Anong isasagot ko sa kanya?

"Anong isasagot ko sa lola ko [Elaine Cuneta] na mahal na mahal siya?

"Hindi ko masabi kasi, e, hindi ko talaga masabi sa kahit na sinong tao kung anong nangyari.