KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo: Noel Orsal

BOY: "Dahil kapag sinabi mo, anong mangyayari?"

Muling natigilan si KC.

KC: "Ayoko lang makasakit ng tao, Tito Boy."

BOY: "Humingi siya ng tawad?"

KC: "Opo, ganun naman po si PJ, humihingi naman po ng tawad.

"Pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is para sana hindi na maulit.

"Kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, paulit-ulit na magso-sorry."

BOY: "Did he ask for a second chance?"

KC: "Tito Boy, binigyan ko siya second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance.

"Pagdating ng eight chance, parang na-realize ko, hindi lahat ng problema, nadadaan sa kilig, hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa, hindi lahat nadadaan sa kilig.

"Kasi ang galing-galing niyang magpakilig.

"Ang tanga-tanga ko nga Tito Boy, e.

"Dumating lang siya sa point na parang, 'Sandali lang, parang hindi na natin inaano yung totoong nangyayari.'

"Kasi titingnan ka lang niya, ay, wala na, nakalimutan ko na lahat!

"Lagi na lang Tito Boy gano'n."