news

KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why

by Erwin Santiago posted on November 27, 2011  STATS: 1195391 Views | 754 Comments

 

KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos ng ilang linggong espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, inamin na ngayon ni KC Concepcion na hiwalay na sila ni Piolo Pascual.

Ginawa ni KC ang pag-amin sa one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda sa kanilang showbiz-oriented talk show na The Buzz sa ABS-CBN.

 

Napanood ang taped interview ni KC ilang minuto lang ang nakakaraan ngayong hapon, Nobyembre 27.

Sa naturang panayam ay isiniwalat ni KC ang tunay na saloobin kaugnay ng paghihiwalay na itinago nila ni Piolo sa publiko noong una.

Bagamat malayang naipahayag ni KC ang kanyang nararamdaman sa kinahinatnan ng kanilang relasyon, hindi eksaktong sinabi ng actress-TV host ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Piolo.

Narito ang ginawang panayam ni Boy kay KC sa The Buzz:

BOY: "Kristina, this is not going to be easy para sa iyo, para sa amin. But we have to start this conversation somewhere.

"Umpisahan natin doon sa October 21 of last year, noong naging officially kayo ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

"What was it like? Take me back to October 21."

KC: "Actually, simula nung 18 ako, tinray na niya akong ligawan.

"But then in the the last three years talaga, since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin—siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala.

"Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ [palayaw ni Piolo]—on and off.

"So, talagang sa loob-loob ko, sabi ko, sabi nila, 'Kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna.'

"So, yun yung ginawa ko, na talagang kinilala ko siya.

"Simula ng Lovers In Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend.

"May mga times pa na mga three months hindi kami nag-uusap, tapos biglang bumalik siya, tapos nanligaw na talaga."

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

754 Comments

  • 714  halo2x

    12/01/2011 | 09:04 AM
    Kawawa naman mommy ni Piolo. Just this past birthday celebration of Piolo with his family and friends ang sabi pa naman e, "Piolo anak, kailan ba susundan si Inigo?" What do you think fellow pepster?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  johnjoshuajeremydin26

    12/01/2011 | 06:17 AM
    Judy ann and Alfie L knew about this before..Hindi naman tayo ipinanganak kahapon para lang malinlang ng pRESS REleases di ba?? kahit ano ka pa, bakla ,tomboy str8 ..tatangaggapin ka.wag ka lang makapanakit ng isang BABAE na wlang muwang at ipinaglaban ang LOVE nya only to end up she was FOOLED.Affected marami tao, kais ibang people dito knew really PIOLO's sexcapades..promise
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  johnjoshuajeremydin26

    12/01/2011 | 06:13 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 711  johnjoshuajeremydin26

    12/01/2011 | 06:07 AM
    ..kawawa naman si KC, bi nu bugbog nyo ng ANTI campaign.wala talag kyong pu so...ANDAMI NAMAN PWEDE IPASABOG, ILANG TAON N NAGTITIMPI......Hindi naman kasi nila business ang makialam, pero not THIS POINT na mana nakit ka ng BABAE dahil sa pag pa pang gap...MADAMI ANECDOTES at HINDI ITO PWDE ILABAS KASI BAKA MAHABLA ANG MGa PAHYAGAN..PERO KUNG MANANAKIT KA NG BABAE, HINDI B PWEDE ISIWALAT?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 710  triplikeyoudo

    12/01/2011 | 03:56 AM
    I've been a SOLID PIOLO fan from the beginning. I adore and admire his talents and his contribution to the industry. But my admiration doesn't go as far as condoning or supporting his wrongdoings. I know no one is perfect, lahat tayo nagkakamali. Pero ganon pa man, we all have brains to distinguish right from wrong. And based on what KC has shared, mali si Piolo. Wala akong galit kay KC for revealing the reasons for their breakup. Lahat naman tayo, we were silently wondering di ba? She owed it to her fans and to herself to be honest about the issue. Kaya kudos to you KC, for your courage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 709  Syete

    12/01/2011 | 03:18 AM
    malapit na, Piolo is coming out of the closet, real soon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  exploration2

    12/01/2011 | 02:23 AM
    best of luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 707  dubidu1992

    12/01/2011 | 01:22 AM
    i think all women in phil should applause KC siya lang ang matapang na nagsalita tungkol sa dahilan ng break up nila ni piolo iyong iba tumahimik lang. Her braveness for speaking up will protect other women who will be the next victim of piolo's cover up for himself which is selfish and pathetic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 706  amayaisthebest

    12/01/2011 | 12:54 AM
    Sayang naman si Piolo, sya lang ang mukhang mabango at gwapo sa dos kaso bakla pala talaga. Kaya nasabi ni KC na di sya ang kailangan ni Piolo dahil di nya maibigay ang kailangan nito dahil lalaki din ang gusto ni Piolo. Kaya pala nag iskapo si Sam milby dahil nase-sense nya ng madadawit sya. Bakit ba madalas mga gwapo ang mga bakla at silahis?Ano ba yan, daming bakla at silahis sa dos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 705  tugas

    12/01/2011 | 12:32 AM
    gaya ng sinabi ko kung pari role ni piolo magsasawa siya sa mga seminarista at altar boys. ikaw na piolo...sana mangungumpisal ka sa lahat ng kasalanan mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 704  tugas

    12/01/2011 | 12:29 AM
    those who don't want to see Piolo, let us be united to cut our tfc subscription. let us all be united to show abs that they cannot fool us.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 703  halo2x

    12/01/2011 | 12:07 AM
    Baka babagay din kay Piolo ang priest role. As I've said before, his Christian sector believes in the "Transformative Process of Gays." google nyo yan. Me book pa nga about dyan written by Michelle Wolkomir. Talks about wives of ex-gays Christians and the different steps sa process na yan. Kaya sobrang napaiyak si Piolo nung malaman ang role nya. Imagine, napaiyak? Sa dinami dami ng roles in the past dito lang sya nag cry. E hindi naman eto entry for filmfest or Indie films nor Manila golden globe. Truly lang ha, I have friends who are syokla and they all swear up and down nothing can transform them. Not even mother earth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 702  kapusoakotalaga

    11/30/2011 | 11:57 PM
    omg abs cbn. nakahanp butas ke maricar. hello wala maniniwala na papatulan yan ni piola. kahit beki un, me taste yun... scandal beauty papatulan nya. maka diyos yata un.lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 701  kapusoakotalaga

    11/30/2011 | 11:52 PM
    eh kaya pala kasma si amricar scandal sa teleserye. flop in the making.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 700  halo2x

    11/30/2011 | 11:29 PM
    Naging circus na tuloy kalabasan ng mga pangyayari. Ginawang comedy na tuloy ang career ni Piolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 699  halo2x

    11/30/2011 | 11:16 PM
    Ang nakakatawa pa ay pari ang role ni Piolo sa upcoming teleserye na Padre de Pamilya. Sand Maricar is in that teleserye. Good Gawd, anything they can think of para lang hindi ma flop ang teleserye. This network is so desperate.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 698  halo2x

    11/30/2011 | 11:14 PM
    It's like circus over at ABS CBN entertainment news section. Pinagpipiyestahan ang anggulong Piolo-Kc-Maricar. It's making ABS CBN look like a fool! Filipinos are way smarter than that. Wawang Maricar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 697  ywki750

    11/30/2011 | 10:41 PM
    Kun nakgawa ng ksalanan si Piolo at labis naksakit sa damdamin ni Kc e sna snabi nlang nya ang totong dahilan sa intrvw. Hindi yung sabi nya na Naniniwala sya na mahal sya ni Piolo pero hindi sya ang kailangan nito, hindi sya ang hanap nito? Alam naman na duda ang mga tao sa kasarian ni Piolo. Tapos sasabihin nya na ayaw nya makasakit ng tao. Ano kaya ang tawag nya dun.... Unless nalang na ang ibig sabihin nya ay ang hanap ni Piolo ay someone humble, mature, not feeling baby nor feeling special. Sana hanggang 3 chance lang binigay nya sa kanya then tinapos na nya relasyon nila. Kaso binigyan nya ng 7 or 8, at ngayong napuno na sya saka iiyak sa public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 696  mafskeycute

    11/30/2011 | 10:11 PM
    695 ikaw ang nag pe feeling VIP ingit ka lng dhil mga idol mo walang class walng ibang ginawa kundi mag hubad sa camera! masyado lng tlgang nakatotok ang press at mga tao sa power couple dati! anong magagawa natin ayaw pa kasi umamin ni piola kya hangang ngayon pinag fiestahan sya! at hindi titigil ang mga tao kahit durog na durog na c piola hangat hindi sya umaamin kasi ang sinungaling kapatid ng magnanakaw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 695  ywki750

    11/30/2011 | 09:51 PM
    prang feelng vip si Kc ksi nationwde broadcastng yung sama ng loob nya at disappointment sa bf nya. Marami ng young showbiz couples ang nag break pero hindi naman megadrama ang iyak sa intervw. Mag-bf palang kayong nagbreak e parang magasawang naghiwalay ang drama mo. Ayaw sa iyo ni Piolo ano ang gusto mo pilitin nung tao na ikaw ang gustohin porket gusto mo sya? Di mo manlang inisip na madudurog ang puso ng mga magulang mo sa awa sa iyo dahil sa pag iyak mo sa tv dahil sa breakup nyo. Kawawa naman si Gabby, Francis, laluna si Sharon siguro awang-awa sa iyo. Kahit pa ibang babae o lalaki ang hanap ng bf mo, huwag mo ipilit ang sarili mo kung hindi ikaw ang hanap. Huwag kang feeling special. mayos ka kaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About