KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos ng ilang linggong espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, inamin na ngayon ni KC Concepcion na hiwalay na sila ni Piolo Pascual.

Ginawa ni KC ang pag-amin sa one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda sa kanilang showbiz-oriented talk show na The Buzz sa ABS-CBN.

 

Napanood ang taped interview ni KC ilang minuto lang ang nakakaraan ngayong hapon, Nobyembre 27.

Sa naturang panayam ay isiniwalat ni KC ang tunay na saloobin kaugnay ng paghihiwalay na itinago nila ni Piolo sa publiko noong una.

Bagamat malayang naipahayag ni KC ang kanyang nararamdaman sa kinahinatnan ng kanilang relasyon, hindi eksaktong sinabi ng actress-TV host ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Piolo.

Narito ang ginawang panayam ni Boy kay KC sa The Buzz:

BOY: "Kristina, this is not going to be easy para sa iyo, para sa amin. But we have to start this conversation somewhere.

"Umpisahan natin doon sa October 21 of last year, noong naging officially kayo ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

"What was it like? Take me back to October 21."

KC: "Actually, simula nung 18 ako, tinray na niya akong ligawan.

"But then in the the last three years talaga, since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin—siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala.

"Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ [palayaw ni Piolo]—on and off.

"So, talagang sa loob-loob ko, sabi ko, sabi nila, 'Kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna.'

"So, yun yung ginawa ko, na talagang kinilala ko siya.

"Simula ng Lovers In Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend.

"May mga times pa na mga three months hindi kami nag-uusap, tapos biglang bumalik siya, tapos nanligaw na talaga."