KC Concepcion on breakup with Piolo Pascual: "Masakit man sabihin...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Photo: Noel Orsal

KC: "Napag-usapan namin 'yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din naman nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him.

"So, sabi ko, 'Poproblemahin ba natin yun yung ibang tao?

"'Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me.'

"So, sabi ko, 'Wag natin pansinin yung ibang tao. If anything, ako, sasabihin ko sa iyo I trust you.

"'So let's make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko.'"

BOY: What was the best thing about that relationship?

KC: "You know, it's my first showbiz relationship, e."

BOY: "Ibig sabihin, taga-showbiz?"

KC: "Yes, pareho kami ng trabaho.

"So, I think the best thing is that natuto ako na parang mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito.

"First relationship ko rin na seryoso talaga, to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept."

BOY: "May mga bagay na mahirap pero tinatanggap, and that's mutual."

KC: "Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny, pero yung mas accepting ako."

BOY: "Ikumpara mo nga Kristina ang October 21 of 2010 at ang October 21 of 2011. May mga pagbabago? Pagkakapareho? Saan napunta ang relasyon?"

KC: "Marami pong naklaro sa akin."