Ynna Asistio given a promise ring, not an engagement ring, by boyfriend Mark Herras

Ruel J. Mendoza
Sunday, November 27, 2011 @ 08:14AM  |  14726 views

Binigyan si Ynna Asistio (above) ng isang promise ring ng kanyang boyfriend na si Mark Herras. Sa premiere ng The Road nuong Biyernes, suot nilang dalawa ang singsing na kulay itim na may mga maliliit na bato sa paligid.

"Binigay ni Mark ito a few days ago. May sorpresa raw siya sa akin at sinuot nga niya yung promise ring sa daliri ko. Meron din siyang [singsing] kapareho ng binigay niya sa akin. Symbol daw iyon ng love niya sa akin," Ynna says.

 

Photo By: Noel Orsal













Magkasamang dumating sa premiere night ng The Road, ang suspense-thriller ng GMA Films, ang magkarelasyon na sina Mark Herras at Ynna Asistio.

Ito ay naganap noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 25, sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Kasama si Ynna sa cast ng pelikula bilang isang babae na aksidenteng napatay ng character ni Carmina Villarroel.

Nakikitang matibay pa rin ang relasyon nina Ynna at Mark, at hindi naapektuhan kahit na dumaraan sa matinding problema ang pamilya ng aktres.

Nagpapasalamat si Ynna sa Diyos na 'binigay sa kanya si Mark dahil isa ito sa nagtatanggol sa kanilang pamilya kahit na hindi naman nila ito hinihiling.

Patunay lang na maaasahan si Mark sa kahit anong problemang kinakaharap ng pamilya ng aktres. At sa ngayon nga ay nariyan ang matinding away ng mommy niyang si Nadia Montenegro at ang talent manager niyang si Annabelle Rama.

"Hindi madali ang pinagdaraanan namin ngayon, lalo na si mommy.

"Alam namin lahat na nahihirapan na siya but she's being strong for all of us," pahayag ni Ynna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Naaawa ako sa mommy ko at lahat ng puwede kong ibigay na suporta sa kanya ay binibigay ko.

"Mahirap para sa isang anak na makita ang nanay mo na nasasaktan.

"Isa nga sa nagpapalakas ng loob namin ay si Mark.

"He is always there for us and he has never left our side.

"May times ngang nahihiya na ako kay Mark dahil puro na lang problema ng family namin ang nakikita niya.

"I told him na kaya ko naman ang lahat.

"Kailangan kong maging strong para sa mommy ko at sa mga kapatid ko.

1  2  3  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name